^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Single-use plastics bawal na sa gov’t offices

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Single-use plastics bawal na sa gov�t offices

SA wakas, isang kapaki-pakinabang na resolusyon ang inaprubahan ng National Solid Waste Ma­nagement Commission (NSWMC) na nag-aatas sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na i-implement ang pagbabawal sa paggamit ng plastics sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan. Kabilang sa mga ibabawal ay ang plastic cups, drinking straws, coffee stirrers at mga disposable na kutsara, tinidor at kutsilyo. Kumikilos na ang DENR para ipatupad ang kautusan.

Marami na ang namumulat sa masamang dulot ng single-use plastics o disposable plastics at kara­mihan ay gusto na itong ipagbawal o mawala na sa buhay­ ng mga Pilipino. Problema ang plastic­ pollution sa bansa at kung hindi ipagbabawal, mas malubha pang problema ang kahaharapin ng mamamayan.

Ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS) 7 sa bawat 10 Pilipino ang gustong ipagbawal na ang paggamit ng plastics. Kabilang sa mga plastic na gustong ipagbawal ay ang tinatawag na sando bags, plastic straws at stirrers, plastic labo bags, styrofoam containers, sachets, tetra pack ng juices, plastic na baso, kutsara, tinidor, botelya ng juice at tubig. Ayon pa sa survey, 59.8 bilyong piraso ng plastic sachets at 17 bilyon na shopping bags ang ginagamit sa bansa taun-taon at ang mga ito ay humahantong sa mga estero, ilog at dagat. Ang Pilipinas ay pang-apat sa mga bansa sa Asia na malakas magtapon ng mga basurang plastic sa karagatan.

Noong nakaraang taon, nagpahiwatig si President Duterte na balak niyang ipagbawal ang paggamit ng plastic sa buong bansa. Nabanggit niya ito sa Cabinet meeting at maaaring lagdaan niya ang isang kautusan ukol dito. Maganda ang naisip na ito ng Presidente at nararapat niyang ituloy para makalaya sa plastic ang mga Pinoy. Maaari namang mabuhay na wala ang bagay na ito. 

Panahon na para mawala sa buhay ng mga Pilipino ang single-use plastic. Labanan ang plastic pollution para maisalba ang pagkasira ng kapaligiran at pati na rin ang buhay ng mga lamandagat. Pati mga balyena ay namamatay dahil nakakain nila ang mga plastic na inaanod sa karagatan. Ito na ang tamang panahon para ibawal ang plastics.

vuukle comment

DENR

NSWMC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with