^

PSN Opinyon

Pastillas whistleblower pinagdudahan ng solon

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAGHAHAIN ng resolusyon ang isang Kongresista para siyasatin ang motibo ni Immigration officer Allison Chiong sa pagsisiwalat sa tinatawag na Pastillas anomaly sa Bu­­­reau of Immigration. Ayaw munang magpabanggit ng pangalan ang House of Representative hangga’t ‘di pa niya naiha­harap ang resolusyon. Pero bakit sisiyasatin ang isang nagbunyag ng katiwalian na ngayo’y nasa pag-iingat­ na ng witness pro­tection program?

Mukha raw kasing political demolition ng mga “dilawan” ang pagbubunyag ni Chiong. Aniya bigla na lamang nag­punta si Chiong sa opisina ni Sen. Risa Hontiveros bitbit ang pastillas story na kaduda-duda ang timing. Parang itinaon, ilang araw bago gunitain ang EDSA Revolution­. Ang issue ay may kinalaman sa panunuhol ng mga illegal Chinese sa mga tauhan ng immigration para maka­pag­trabaho sa tinatawag na POGO o Philippine Offshore Gaming Operations, kahit walang visa.

Naka-disguise umano ang bribe money na kendi porke binilot na parang pastillas. Ilang araw ring namayagpag sa media ang kontrobersyal na balitang ito at sinibak pa ni President Duterte ang mga immigration people na dawit sa iregularidad.

“Kung tama ang duda ng maraming mambabatas sa agenda nitong tinawag sa Senado na whistleblower sa BID ay huhubaran natin siya ng maskara,” pahayag ng kongresista. Dagdag niya, kung totoong batid na ni Chiong ang anomalya noon pa man, “bakit ngayon lang siya lumantad?” Halata raw na ang exposé ay may intensyong siraan ang administrasyon. Baka raw sa pamamagitan nito ay magkatsamba ang oposisyon sa pagdaraos ng EDSA 3, pabirong Sabi ni Cong.

Sabi pa ng kongresista, si Chiong ay naempleyo sa BID noong 2012 na panahon ng mga ‘dilawan’. At noong nag­daang halalan, lantaran ito umanong nangampanya laban kay Sen. Ronald dela Rosa  gamit ang isyung ‘tokhang’ sa ilegal na droga.  

Idinagdag pa ng kongresista na sa House hearing ay ipasasagot din umano niya kay Chiong kung totoo ang mga alegasyon na habang nasa panunungkulan sa gobyerno ay dumanas ito ng depresyon at rehabilitasyon sa sobrang paggamit ng mga ilegal na droga.  

vuukle comment

ALLISON CHIONG

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with