^

PSN Opinyon

‘Bulig Ilonggo’, tutulong sa mga OFW sa Middle East!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

DAHIL sa napipintong kaguluhan sa Middle East, minabuti­ ni Iloilo Gov. Arthur Defensor Jr., na tulungang makauwi sa bansa ang mga apektadong Overseas Filipino Workers­ (OFWs). Bumuo si Defensor ng inter-agency Task Force “Bulig Ilonggo” para tugunan ang lahat ng mga katanu­ngan at pangangailangan ng mga OFWs at pamilya nila. Kapag may kapamilya kayong OFW na may problema sa ibang bansa, puwede kayong makipag-coordinate sa assistance desk ng “Bulig Ilonggo” at presto... matulungan kayong maiuwi ang mga ito, ayon kay Dir. Cyril Ticao, Re­gional Director of DOLE 6 at designated Co-Vice chairperson ng “Bulig Ilonggo.” Siyempre, panay taga-DOLE ang tatao sa assistance desk nito, ani Ticao. Nililinaw ko na itong “Bulig Ilonggo” mga kosa ay iba pa sa programa ni Labor Sec. Silvestre Bello na pinondohan ng P600 mil­yon para maiuwi ang mga stranded OFWs sa Middle East. Nangako naman si Bello na may alternative overseas at local­ employment na naghihintay sa mga pinauwing OFWs. Dapat tularan ng ibang gobernador itong si Defensor para mapauwi ang ating mga kababayan na nahagip ng kagu­luhan sa Middle East, ‘di ba mga kosa?

Kung sabagay, maging si Pampanga Gov. Dennis­ Pineda ay hindi naman pahuhuli para tulungan ang mga OFW dahil magpapatayo ito ng ospital para pa­ngala­gaan­ ang kanilang kalusugan. Sa seremonyang ginanap­ sa Kings­­borough Convention Center sa San Fernando kama­­­kailan, inum­pisahan ang paggawa ng OFW hospital­ sa 2-ek­taryang lupain sa Barangay Sindalan sa naturang siyu­dad at ang mismong panauhing pandangal ay si Bello. Maliban kina Bello at Pineda, ang umatend sa okasyon ay sina Usec. Lilibeth David ng Dept. of Health; OWWA administrator­ Hans Leo Cacdac, chairperson Andrea Domingo ng PAG­COR, at Atty. Ellan Mark Pailan ng Bloomberry Cultural Foundation. Ang construction ng building ay magtatapos sa Mayo 2021. Sinabi ni Bello na itong OFW hospital ay kauna-unahan sa bansa at magbibigay ito ng libreng serbiso sa mga OFW, ang ating modern day heroes. Hindi naman kaila sa atin mga kosa na ang remittance ng mga OFW ay malaking tulong para umangat ang ekonomiya ng ating bansa kaya’t nararapat lang na suklian din ang kanilang kabayanihan. Ayon sa kasunduan, ang PAGCOR ay magdo-donate ng P200 milyon para mabili at ma-install ang mga equipment at facilities ng ospital, samantalang ang Bloomberry Cultural Foundation naman ang sasagot sa gastusin sa pagpagawa ng gusali sa halagang P400 milyon. Ang local government naman ng Pampanga ang nag-donate ng 2-hectare lot. O hayan, kapag nagtulungan ang mga ahensiya ng gobyerno may patutunguhang maganda talaga, di ba mga kosa? Abangan!

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with