^

PSN Opinyon

Congrats Eric Distor ng NBI

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Itinalaga ni Boss Digong si National Bureau of Investigation Assistant Director Eric Distor, bilang OIC ng NBI bilang Director matapos magbigti este mali magretiro pala si NBI Director Dante Giuerran. Si Distor, ay Assistant Director for Intelligence Service bago siya itinalagang OIC ni Boss Digong.

Ikinatuwa ng mga taga-NBI ang pagkakatalaga kay Distor dahil tagaloob ito at ‘rose from the rank’ pa! Sabi nga, dapat siya na ang maging permanenteng NBI director dahil bukod sa maaasahan, masipag, makatao, ma­bait at marami ring malalim na trinabaho si Distor sa bureau. Ang importante ay ang ‘trust and confidence’ ni Boss Digong. Anyway, congratulation again Kuyang Eric!

* * *

Si Nograles at ang IEMOP, bow

Ibinida ni Puersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-list Rep. Jericho Nograles na inamin sa kanya ng isang miembro ng lupon ng Philippine Electricity Market Corporation (PEMC) matapos magpadala ito ng sulat na alam ng kom­panya at sadyang lumabag sa mga probisyon ng EPIRA Law at gumawa pa rin ng kontrobersyal Independent Electricity Market Operator of the Philippines o IEMOP upang pamahalaan ang operasyon ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Naku ha! Totoo ba ito?

Sabi ni Nograles, inamin ng PEMC opisyal na ang IEMOP ay ginawa lamang dahil walang mga lokal independent electricity market operator na maaaring maging compliant sa list of requirements ng mga kinakailangan  sa ilalim ng Republic Act 9136 o ang Electric Power Industry Reform Act. “Sa madaling salita, ang IEMOP ay nilikha sa pamamagitan ng mga nakaraang market operator upang maging bagong market operator at ito ay paglabag sa batas ng proseso.” birada ni Nograles.

‘The law required as you right point out, that it should be a corporation wit a minimum two years experience. There was no one. So we did the next be3st thing, we transferred the people who’d been operating the market ito IEMOP.’ sabi ng PEMC board member sa liham nito kay Nograles,

Sabi ni Nograles, ang pag-amin ay pagpapatunay na ang EPIRA at isinangtabi lamang. kaya anbg deal sa IEMOP ay ‘void ab inition’ o walang bisa sa umpisa pa lang.

Binanggit ni Nograles, na may mga malinaw na basehan ang Department of Energy sa pamumuno ni Secretary Alfonso Cusi na tapusin ang maanomalyang PEMC-IEMOP deal.

Sinabi niya na nagpapahintulot sa patuloy na operasyon ng IEMOP na naniningil 0.86 sentimo para sa bawat kilowat ng kinunsumong kuryente kaya paglabag sa Anti-graft and Corrupt Practices Act.

‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago!’

Abangan.

vuukle comment

DANTE GIUERRAN

DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with