Covid-19 scare humuhupa
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2020 - 12:00am

MAAARING humuhupa na ang takot ng sambayanan sa sakit na COVID-19 pero hindi nangangahulugan na humu­hupa na ang bagong karamdaman. Magugunita na nang unang maibalita ang sakit na ito na unang tinawag na Novel coronavirus, bawat taong makasalubong mo sa labas, lalo na sa mataong lugar ay may pantakip sa mukha o face mask.

Naging mabenta ang face masks at maraming manga­­ngalakal ang nagsamantala at tinaasan ang presyo ng kalakal na ito. Sa halos lahat ng botika na puwedeng bilhan ng facemasks, laging out of stock ang produktong ito dahil sa rami ng mga takot dapuan ng sakit. Bawat taong nasa labas ay tila andap makipagkamay sa mga bagong makikilala at kapag may humatsing sa tabi ay marami ang nahihintakutan.

Natural lang na mag-overreact lalo pa’t bago ang ini-report na sakit at ito ay maselan at mabilis kumalat. Ma­palad pa nga tayo sa Pilipinas kung tutuusin. Maraming mga bansa na mas maunlad pa sa atin ang mayroong mga ma­mamayang tinamaan ng sakit gaya ng Japan at Korea. Sa atin, wala ni isang Pilipinong nahawahan ng karamdaman sa loob ng bansa.

Kung mayroon mang mga ini-report na tinamaan ng sakit na ito, pawang mga dayuhan ang mga ito na kara­mihan ay Chinese dahil sa China nagmula ang karamdaman.

Ngayon, kapansin-pansin na mangilanngilan na lang ang mga nagsusuot ng facemasks, palatandaan na humupa na ang takot. Ngunit hindi rin naman tayo dapat maging kampante dahil hindi pa talaga napupuksa ang sakit.

Bagama’t walang Pilipinong dinapuan ng karamda­mang­ ito sa ating bansa, dumarami ang bilang ng mga Pinoy na nahawahan ng sakit sa ibang bansa. Karamihan ay mga OFW na nagtatrabaho sa ibayong dagat.

Ayon sa Department of Health, tumataas ang bilang ng mga Pilipinong nahahawahan ng COVID 19 at ngayo’y nasa animnapu’t tatlo katao na sa may apat na bansa.

Ibig sabihin, hindi tayo dapat magpakakampante sa sarili nating bansa at gumawa ng karampatang pag-iingat sa ating kalusugan para makaiwas sa sakit habang hindi pa natutuklasan ang karampatang lunas dito.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with