^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Higpit na naman sa jueteng

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Higpit na naman sa jueteng

MAY bago na namang babala sa mga nag-oope­rate ng jueteng at iba pang sugal sa bansa. Huhu­lihin na ang mga ito. Ito ang babala ni PNP chief Gen. Archie Gamboa. Inatasan ni Gamboa ang lahat ng police regional directors na hulihin ang lahat ng mga nag-ooperate ng jueteng. Binigyan ni Gamboa ng isang linggo ang mga police officials para itigil ang jueteng. Ang mga police official na hindi makakasunod sa direktiba ay masisibak sa kanyang kasalukuyang puwesto o malalagay sa floating status at hindi mabi­bigyan ng assignments.

Maganda ang direktibang ito kung maipasusunod o maipatutupad. Hindi lamang si Gamboa ang PNP chief na nagpatupad nang paghihigpit sa jueteng – marami pa. Halos lahat nang naging PNP chief ay nag-utos na wasakin ang jueteng. Pero ano ang nangyari? Nauwi sa wala. Kung itong kautusan ni Gamboa sa jueteng ay magkakaroon ng katotohanan, maaaring siya ang kauna-unahang PNP chief na sasaluduhan at hindi malilimutan ang kanyang pangalan.

Maraming umaasa na mananalo sa jueteng kaya kahit ang pambili ng isang kilong bigas at isang lata ng sardinas ay sinasapalaran pa rito. Pero mas madalas ang talo dahil may daya. Ang laging nananalo ay ang bangka o nagkakapital.

Dalawang taon na ang nakaraaran, sinabi ni Presi­dent Duterte na wawasakin ang illegal gambling sa bansa at kabilang dito ang jueteng na daan-taon nang namamayani sa komunidad. Kadalasang sa mga mahihirap na lugar sa bansa laganap ang jueteng.

Isang task force on illegal gambling din ang kanyang nilikha para i-overhaul ang small-town lottery (STL) na nagiging front ng jueteng, masiao, two balls at iba pang illegal na sugal sa bansa. Plano ng task force na wakasan na mga illegal na sugal sa bansa lalo nga ang jueteng. Inisyu pa ni Duterte ang Executive Order No. 13 na nagbubuwag sa lahat ng illegal gambling kasama ang jueteng. Inatasan niya si dating­ PNP chief Director General Ronald de la Rosa at iba pang law inforcement agencies na arestuhin ang lahat nang nagmi-maintain ng illegal gambling kasama ang jueteng.

Nagyabang naman si De la Rosa at sina­bing anim na buwan lang at buwag na ang illegal gambling kasama ang jueteng. Pero walang nangyari sa EO 13. Nagretiro na si Dela Rosa sa PNP at ngayon ay senador na pero ang illegal gambling ay namamayani pa rin.

Ngayon ay si General Gamboa naman ang nanga­ngako at isang buwan lang ang kanyang taning para mawasak ang jueteng. Tingnan natin.

vuukle comment

JUETENG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with