^

Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, amyendahan

ORA MISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2020 - 12:00am

Iba ang pagtingin ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez kaysa sa ibang mga mambabatas na kasamahan nito sa Kamara kasi may malasakit at pagmamahal ito sa media. 

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tapat kasing ipinakikita ni Rufus sa madlang Pinoy ang suporta at pagbibigay proteksyon para sa kapakanan ng mga mamamahayag.

Bakit?

Gusto ni Congressman Rodriguez na am-yendahan ang batas na nag-uutos sa media practitioners na tumestigo sa mga kaso ng droga habang kinokober nila ang actual drug operations.

Tumpak ka, Cong Rodriguez!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi naman talaga trabaho ng media ang gumawa ng mga dokumentasyon para tumestigo sila sa mga case problem na isinampa laban sa mga sabit at sinungkit na mga suspects sa drug cases.

Hindi dapat utusan ang media, ipagtulakan o puersahin para tumestigo sa korte laban sa mga drug cases na nakasama sila sa hulihan blues habang kinokober nila ang drug operations. 

Banat ni Rodriguez, dapat amyen­dahan ang Compre­hensive Dange-rous Drugs Act of 2002 na nagsasa­bing ang miembro ng media na kasama ng mga authorities sa kanilang drug operations ay pipirma sa inventory ng mga nahu-ling epektos.

Kailangan pang patunayan ng media at tumestigo sila habang dinidinig ang kaso!

“Hindi trabaho ng media ang mag-document ng operasyon sa droga at tumestigo!”

“They are there to co-ver law enforcement activities, not to par­ticipate in documentation and sub­sequently in hearings,” tirada ni Rodri­guez.

Ika nga, ilalagay ng batas sa panganib ang mga miembro ng media na tetestigo sa mga nasabing kaso.

Sabi nga, puedeng balikan ang media sa pagtestigo nila sa mga suspects.

Ano ngayon ang mainam gawin para sa media?

Amyendahan ang Comprehensive Dange­rous Drugs of 2002!

Korek ka dyan!

Abangan.

RUFUS RODRIGUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with