Raid sa jueteng stations sa Cavite, sampal kay Gamboa?
DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - February 23, 2020 - 12:00am

Aabot sa 17 katao ang naaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng salakayin nila ang dalawang jueteng stations sa Cavite noong Huwebes.

Nasa istasyon ang mga trabahador nang pasukin ng mga tauhan ni CIDG chief Director Jigs Coronel sa Barangay Luksuin Ilaya sa Alfonso at inaresto ang pito katao samantalang sampu naman ang naaktuhan sa Crossing Mendez sa Tagaytay City. Maliban sa mga taya sa jueteng, nakarekober din ang raiding team na pinangunahan ni Lt. Col. Jay Dimaandal, ng Anti-Organized Crime Unit (AOCU) ng collection form ng Small Town Lottery (STL) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Nilinaw ni Agnes Ibera, Officer-in-Charge ng Corporate Planning Department of PCSO na walang STL sa Cavite dahil ang dating nag-operate rito ay hindi nagbayad ng pagkakautang sa ahensiya nila. O hayan, malinaw pa sa sikat ng araw na jueteng ang palaro sa Cavite dahil wala pang pinayagan si PCSO Gen. Man. Royina Garma na mag-operate ng STL sa probinsiya. Tumpak!

Sinabi ng mga kosa ko na ang bangka ng jueteng sa Cavite ay ang isang Capt. Carling, na nagpapakilalang pamangkin ni Calabarzon police director Brig. Gen. Vicente Danao. Kapag may kausap, nagpapakita pa ng ID si Carling kung saan nakasaad na ang apelyido niya ay Danao. Ayon kay Carling, sila rin ang nagpapatakbo ng bookies ng STL sa Batangas at sa Olongapo City. Wow ha! Sa pag-raid ng CIDG ng jueteng sa Cavite, masusubukan ang “one strike” policy ni PNP chief Gen. Archie Gamboa. Kaya kayang sibakin ni Gamboa si Danao? ‘Yan ang tanong! Kahit anong pananakot ni Gamboa na i-relieve ang mga police officials na hindi sumunod sa kanyang “one strike” policy vs illegal gambling eh nagdududa ang mga kosa ko kung kaya niyang ikumpas ang kamay na bakal vs Danao. Nakamasid ang mga police officials sa Camp Crame kung may pangil ba talaga itong “one strike” ni Gamboa. Kapag hindi niya naipatupad ito, mapupunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan niya bilang PNP chief. Sino kaya ang magiging panakip butas dito? Abangan!

CIDG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with