Paikut-ikot lang
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2020 - 12:00am

SINIBAK na ni Presidente Duterte ang lahat ng mga ka­­wani at opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na dawit sa “pastillas anomaly”. Ito yung bagong iskema ng mga illegal­ aliens para makapagtrabaho sa bansa kahit walang working­ visa. Partikular dito ang mga Chinese na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operation (POGO), na naghahatag ng salaping nakabilot at ibinalot na parang pastilyas sa mga tauhan ng BI.

Sa palagay ko, hindi lamang pagsibak sa mga tiwali ang kailangan para mabura ang mga nagaganap na anomalya sa mga tanggapan ng pamahalaan. Napansin ko kasi na parang paikut-ikot lang ang mga pangyayari: May mabubun­yag na iregularidad, tapos sisibakin ng Pangulo ang mga nasasangkot. Matapos lang ang ilang panahon ay balik sa dating gawi ang mga tiwaling tauhan ng tanggapang matatawag na vulnerable to corruption.

Magugunita natin na nabalot ng kontrobersya ang Bureau of Custom noong araw dahil sa mga nakapasok na bilyun-bilyong pisong halaga ng shabu dahil may mga opis­yal ng kagawaran na nakikipagsabwatan sa mga masasamang loob na international drug syndicates.

Kung tutukoy tayo ng mga opisina ng gobyerno na  laging nadadawit sa anomalya, laging kabilang diyan ang Bureau of Customs at Immigration. Sa Customs, mga kalakal na hindi nababayaran ng buwis ang naipupuslit pati na ilegal na droga at sa BI naman ay mga dayuhan na nakapagtatrabaho sa ating bansa ng walang kaukulang visa.

Mas mapanganib kung pababayaan nating makapasok nang walang patumangga ang mga dayuhan at manirahan sa ating bansa sa matagal na panahon. Hindi natin batid kung ang mga taong ito’y may masamang intensyon. Paano kung ang mga pinapapasok sa ating lupain ay mga panatikong terorista na ang layunin ay maghasik ng lagim?

Bago sumiklab ang World War II noong dekada 40, kuwento ng aking ama, maraming mangangalakal na Ha­pones ang nagtayo ng mga bazar sa iba’t ibang dako ng bansa. Nang magdeklara ng giyera ang Japan, ang mga Hapones na ito ay nagsipagbihis ng kanilang kasuotang militar porke sila pala ang advance military party ng Japan sa sandaling ideklara nito ang digmaan.

Nakapanghihilakbot isipin na tila nauulit ito ngayon ang ganyang scenario. Nakikita natin ang maraming tindahan na pinalalakad ng mga Chinese na hindi marunong mag-Ingles o managalog. Dapat lang magsilbing epektibong tanod ang ating Immigration Bureau para mapigilan ang pagpasok ng mga dayuhan, Tsino man o hindi para na rin sa kaligtasan ng ating bansa.

POGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with