Legal na marijuana? (Last part)
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2020 - 12:00am

TULOY pa rin ang debate sa buong mundo tungkol sa medical marijuana. Pero kung ihahambing sa nakaraang 20 taon, higit na ngayon ang dami ng tao na sang-ayon sa legalisasyon ng marijuana.

Ayon sa Dangerous Drugs Board, dito sa Pi­lipinas, legal na ang paggamit ngayon ng isang deribatibo ng marijuana, ang cannabis. Ang can­nabidiol ay hindi nakakaadik.

Kumbaga, hindi ito nakaaapekto ng pag-iisip. Basta’t ito ay nasa porma na ng gamot at hindi sinisindihan at hinihithit, maaari nang gamitin ang cannabidiol sa mga may epilepsy o pasyenteng nagkaka-seizure.

Sa Pilipinas, may 250,000 bata ang may epilepsy. Ang cannabidiol ay mabisa laban sa pangi­ngisay.

Pero aktibo pa rin ang ilang kongresista sa pagtutol sa pagsulong ng panukalang batas para sa legalisasyon ng medical marijuana.

Sapat na raw ang panuntunan ng Dangerous Drugs Board. Ewan ko ba. Parang usapan na rin ito diborsiyo. Parang walang katapusan at kaytagal.

Kung sana’y pag-aralan na ito at desisyunan. Ang maganda sa pagsasabatas, malinaw ang ma­giging proseso ng talakayan. Lahat ng panig mapa­pakinggan.

Mapipilitan ang pagsaliksik ng mga katotohanan. Magkakadesisyon at papatawan ng regu­lasyon. Bakit ‘di subukan kung napakarami ang ma­lamang na makikinabang?

MARIJUANA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with