EDITORYAL - âKatas ng pastillasâ
EDITORYAL - ‘Katas ng pastillas’
(Pilipino Star Ngayon) - February 21, 2020 - 12:00am

NAKAKA-SHOCK na P10-bilyon ang kinikita ng mga corrupt sa Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa pagsasaayos ng visa ng mga Chinese na magtatrabaho sa bansa sa ilalim ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Ang mga taga-immigration ang nagpa-facilitate nito sa pamamagitan ng tinatawag na “pastillas operation”. Kung bakit tinawag na “pas­tillas” dahil nakabilot na parang pastillas ang perang inilalagay ng mga Chinese workers. Sa pamama­gitan ng suhol, dagsa ang mga Chinese sa bansa na walang kahirap-hirap na nagtatrabaho sa POGO.

Ang scheme ay ibinunyag ni Sen. Riza Hontiveros sa Senate inquiry noong Lunes. Sinabi ni Hontiveros na ang nasa likod ng “pastillas operations” ay mga personnel sa Immigration. Binanatan ng senador ang pagbubulag-bulagan at pagiging inosente ng mga nakatataas sa Bureau of Immigration. Dahil sa mala­king ibinabayad ng mga Chinese na “service fee”  para makapagtrabaho sa POGOs na hindi na umano kailangan ang permit. Pasok lang nang pasok sila sa bansa.

Hindi na nakapagtataka kung bakit dagsa ang mga Chinese na nagtatrabaho sa POGOs. Napakabilis palang makapasok sa bansa basta’t may basbas ng mga korap sa Immigration.

Mula 2017 hanggang sa kasalukuyan, umaabot na sa 130,000 Chinese ang nasa bansa na pawang naka-employ sa POGO. Sa bilang na ito ng mga Chi­nese, mai-imagine kung gaano karaming pera na ang napasakamay ng mga corrupt sa Immigration kung bawat isa sa mga ito ay nagbibigay ng service fee.

Ang masakit pa rito, ang mga napa-facilitate ng mga korap sa Immigration ay mga nagtatrabaho sa mga hindi lisensiyadong POGOs na dinadaya ang gobyerno sapagkat hindi nagbabayad ng tax. Karamihan sa mga ito ay hindi nakarehistro sa Bureau of Internal Revenue (BIR). Kumikita sila nang malaki pero hindi sila nagbabayad ng buwis. Dinadaya nila ang gobyerno. Ang kumikita sa kanila ay mga korap sa Immigration.

Mayroon na umanong mga sinibak na Immig­ration personnel sa NAIA pero hangga’t hindi binu­bunyag ang kanilang mga pangalan, hindi ito dapat paniwalaan. Nararapat kumilos ang Immigration com­missioner para mahubaran ang ‘‘pastillas operations’’. Maaaring may mga matataas na opisyal na sangkot dito. Naamoy na kaya ito ni President Duterte?

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT PHILIPPINE OFFSHORE GAMING OPERATORS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with