^

PSN Opinyon

Health tips (Part 2)

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Narito ang karugtong ng health tips na inilabas noong nakaraang linggo.

l Kumain ng sapat na protina - Ang protina ay maaaring­ magpalakas ng metabolismo. Maaari nitong mabawasan ang cravings o pagnanais na mag-snack muli sa gabi. Ngunit ang pagkain ng sunog na karne ay maaaring mag­pataas ng panganib ng kanser.

l Kumain ng mga gulay at prutas - Ang mga gulay at prutas ay puno ng fiber, bitamina, mineral at maraming antioxidant. Ayon sa eksperto, ang mga taong kumakain ng karamihan sa mga gulay at prutas ay nabubuhay nang mas mahaba. Mababawasan din ang sakit sa puso, type 2 diabetes, labis na katabaan at iba pang mga sakit.

l Mag-ehersisyo ng regular – Ang ehersisyo ay maka­tutulong para sa iyong mental at pisikal na kalusugan. Ito ay epektibo sa pagbawas ng taba sa tiyan o belly fat.

l Matulog ng sapat – Iwasan ang maliliwanag na ilaw bago matulog. Maaari nitong mapigilan ang paggawa ng sleep hormone o melatonin. Ang kulang sa tulog ay maaaring magdulot ng panganib sa diabetes at hormonal imbalance.

l Huwag manigarilyo, magdroga, at limitahan ang alak.

l Alagaan ang iyong relasyon sa buhay – Ang pa­milya at kaibigan ay napakahalaga hindi lamang para sa iyong kaisipan kundi sa iyo ring pisikal na kalusugan. Ang mga taong may malapit na kaibigan at pamilya ay mas malusog at mas mahaba ang buhay kaysa sa mga wala nito.

l Umiwas sa mga pausong diet o fad diets – Huwag basta maniniwala sa mga nauusong diyeta. Ayon sa pag-aaral, ang mga nag-diet ay panandalian lang ang epekto ay lalo lang bumibigat ang timbang tapos mag-diet. Sa halip na mag-diet, subukan ang mag-healthy lifestyle. Ibig sabihin, maging healthy sa kinakain, sa pag-ehersisyo, sapat na tulog at tamang pag-iisip sa araw-araw.

vuukle comment

DOC WILLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with