^

PSN Opinyon

EDITORYAL- Bababa na ang presyo ng mga gamot

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL-  Bababa na ang presyo ng mga gamot

Sa bansang ito, maraming mahihirap na maysakit ang hindi makabili ng gamot dahil sob­rang mahal. Mayroon pang namamatay na hindi nakatikim ng gamot o maski naipasok sa ospital. Dahil sa kawalan o kakulangan ng perang pambili ng gamot, idinadaan na lamang sa tapal-tapal ng mga albularyo ang sakit na sa halip gumaling ay lalo pang lumala ang sakit. Hindi ubra ang laway-laway sa mga sakit na kailangan ang gamot.

Noong Lunes, nilagdaan na ni President Duterte ang Executive Order 104 na nagre-regulate sa presyo ng mga gamot na karaniwang iniinom ng mga mahihirap na Pilipinong maysakit. Sa pagka­kalagda sa EO 104, hindi na maitataas ang presyo ng mga gamot para sa hypertension, diabetes, sakit sa puso, baga, atay, cancer, chronic renal disease, psoriasis at rheumatoid arthritis at marami pang iba na karaniwang tumatama sa mga Pinoy.

Labis na natuwa ang Department of Health (DOH) sa ginawa ng Presidente na paglagda sa EO 104 sapagkat maaaring bumaba ang gamot ng hanggang 56 percent. Noong nakaraang taon pa sinusulong ng DOH ang pagpapababa sa mga gamot.

Ayon sa DOH, nasa 120 ang mga gamot na ka­nilang irerekomenda para mabawasan ng presyo. Ang pagpapababa ng mga gamot ay nasa ilalim ng maximum drug retail scheme na nakapaloob sa Republic Act 9502 o ang Universal Accessible Cheaper and Quality Medicines Act of 2008.

Napakagandang hakbang ang ginawa ng Presidente sa pagkakalagda ng EO 104 sapagkat makakatikim na ng gamot ang mga maysakit na mahi­hirap. Maaari nang malunasan ang kanilang karam­daman. Puwede na silang makabili ng gamot na abot ng kanilang bulsa.

Ayon sa report, ang Pilipinas ang tanging bansa sa Asia na mahal ang gamot. Mas mahal pa raw ang gamot dito kaysa sa mga mayayamang bansa.

Bantayan naman ng DOH ang mga botika sapagkat baka hindi sila sumunod sa utos ng Presidente. Kailangang maipatupad ito nang maayos.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with