Salaping nagpapanggap na ‘pastillas’ sa Immigration
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - February 19, 2020 - 12:00am

Mayroon bang pastillas na bilyong piso ang halaga? Tingin ko, kahit pa pabrika nito ay hindi magkakahalaga nang ganyan kalaki. Talagang ang creativity ng mga taong ibig magpalusot ng gawaing ilegal ay matindi. If there’s a will, there’s a way, sabi nga.

Alam na nating naghihigpit ang Bureau of Immigration­ (BI) sa posibleng lagayan sa pagitan ng ilang tiwaling opis­yal at ng mga illegal aliens. Ngunit gaano man kahigpit­, ang mga taong determinadong gumawa ng labag sa batas­ ay nakakalikha ng paraan. Gayunman gaano man katuso­ ang maisip na paraan, tiyak mabubunyag din ito sa dakong huli. Sabi nga, hindi pahihintulutan ng Diyos na mag­hari ang katiwalian.

Ang ginagawa pala ngayon ng mga dayuhan para ma­bigyan nang “padulas” ang mga opisyal ng BI ay nirorolyo ang kuwartang panlagay at ibinabalot para magmuk­hang pastillas. Very wise ang diskarteng ito pero nabun­yag din sa isang hearing sa Senado nang isiwalat ni Senadora Risa Hontiveros.

Kaya dagling ipinag-utos ni Immigration Commissioner­ Jaime Morente ang malalimang imbestigasyon sa anomal­yang ito na sinasabing tusong sabwatan ng mga Chinese­ workers ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO). Bumuo umano si Morente ng isang fact finding committee upang tutukan ang kasong ito. Binigyan ni Morente ng 15-araw ang komite para isumite ang resulta ng imbestigasyon.

Pero bakit kailangan munang malantad sa Senado ang anomalya bago malaman ng namumuno ng Kawanihan­ ng Imigrasyon? Nagkakaroon tuloy ng masamang impres­yon na walang nalalaman ang namumuno sa mga nangyayari sa kanyang bakuran. At mas masamang impresyon kung iisiping baka ang mismong namumuno ay kasabwat sa iskemang ito. Ayaw nating isipin iyan, pero talagang sa isang tanggapan na matatawag na vulnerable sa korupsyon, kailangang  may mabisang sistema ang isang namumuno para  mamonitor ang mga nangyayari sa loob ng kanyang tanggapan.

Ang anomalyang ito, ani Hontiveros ay ibinulgar sa kanya ng kanyang mapananaligang impormante. Bawat Chinese umano na pumapasok sa bansa ay nire-require ng travel agency na magbigay ng karagdanang sampung libong piso na ipamamahagi sa mga opisyal at tauhan ng imigrasyon para mapadali ang kanilang pagpasok sa bansa.

Disimulado nga naman kung ang salapi ay binilot at binalot tulad ng pastilyas. Mabuti na lang at mabunyag ang iskemang ito. Ngayong nabuking na ito, ano naman kaya ang palusot na gagawin ng mga dayuhang gustong maglagay sa Immigration para mapadali ang kanilang pagpasok?

Kung maghihigpit lang talaga ang pamunuan ng isang tanggapan, walang ano mang spurious scheme ang makalulusot, basta’t may determinasyong supilin ang mga nangyayaring korupsyon sa alin mang tanggapan ng pamahalaan.

BI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with