Mga balak mag-suicide paano natin maaawat
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2020 - 12:00am

DALAWANG dula ukol sa suicide ang itinanghal sa Manila kamakailan. Sa “Every Brilliant Thing” (nina Duncan MacMillan at Jonny Donahoe; Sandbox Collective at 9Works Theatricals) araw-araw linista ng musmos lahat ng maganda sa mundo para basahin ng inang depressive at nanakit sa sarili. Sa “’Night, Mother” (Marsha Norman, isina-Tagalog ng PETA) nilahad na nagpapakamatay sa loob ng 10-12 mi­nuto mula balakin, kaya alalayan agad ang nag-anunsiyo nito, para sikaping libangin at awatin.

Kamakailan din nagbigti sa bedroom ang babaeng teen­ager na apo ng kaibigan. At nagbaril sa templo ang binatang anak ng isa pang amigo. Naisip ko: Sana napigilan sila. Pero parehong madaling araw ang trahedya. Nagpaalam ang una sa texts sa pamilya; ang ikalawa sa Facebook. Huli na nang mabasa; walang nakasaklolo.

Pero may mga nagpapahiwatig ilang beses, bago magpatiwakal. Pansinin ang signos. Sinuri ni Malcolm Gladwell sa librong “Talking to Strangers” ang “coupling of intent and opportunity” -- pagtatambal ng pakay at pagkakataon -- sa krimen, pati suicide. Naikuwento si Sylvia Plath na, isang araw sa London nu’ng 1963, kasikatan sa pagnonobela, ay nagkulong sa kusina, pinasingaw ang gas sa oven, inihiga ang ulo sa cover, at suminghot nang malalim -- patay. Kara­niwan pala ‘yon. Sa England matapos ang World War 1 naka-pipe sa mga bahay ang “town gas” para sa kalan at water heater. Ang gas ay may carbon monoxide, odorless pero deadly. Nu’ng 1962 doon, 5,588 ang nagpakamatay -- 2,469 o 44.2%, ay ala Sylvia Plath, sa pamamagitan ng gas sa oven, at ang iba’y samu’t saring paraan. Nang alisin ang mahal at maruming town gas at bumago ang England sa natural gas (methane), walang carbon monoxide, dumalang ang suicide. Nawala na ang kombinyenteng estilo.

Ganundin nang lagyan ng harang sa gilid ng Golden Gate Bridge, San Francisco, para huwag lumundag ang mga desperado. Hindi sila nagsibili ng lubid o baril, lason o droga; nahimasmasan kahit paano.

PETA
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with