Mga posibleng epekto sa pagsasara ng ABS-CBN
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2020 - 12:00am

MAY dalawang posibleng mangyayari kapag isinara ng pama­halaan ang giant network na ABS-CBN: Ito ay ang pagsisimula ng pagsupil sa kalayaan sa pamamahayag at; ang pagdagsa ng mga tambay dahil marami ang mawawalan­ ng trabaho. Hindi biro ang bilang ng manggagawa na ma­aalis sa trabaho kapag nagsara ang network. Tinataya ito sa 11-libo katao na ang mahigit anim na libo ay mga regular na empleyado.

Bukod sa dalawang usaping iyan, apektado rin nito sa libu-libong konsyumer, ayon kay Louie Montemar, Convenor­ ng BantayKonsumer, Kuryente, Kalsada (BK3). Aniya, nasa higit anim na libong (6,730) regular na empleyado ang mawa­walan ng trabaho kapag biglang nagsara ang nasabing kompanya. Ibig sabihin, malaking problema iyan mismo ng pamahalaang nagpapasara sa malaking kompanyang ito.

Kung susumahin, ang mga pamilyang maaring direktang tamaan ay hindi bababa sa mahigit 60,000 tao, ayon kay Montemar. Aniya “Ito ay isang malubhang usaping pang-ekonomiya”. Dagdag niya, mawawalan ng tiwala ang mga investors porke tanda ito ng kawalang katiyakan sa pagne­negosyo sa bansa. Mantakin nga naman na ang ating mga regulasyon ay basta na lamang nababalewala dahil sa napa­kapersonal na desisyon ng nakaupo.

Ipinahahatid ng BK3 ang pagsuporta sa panawagan ng mga empleyado ng ABS-CBN at milyun-milyong tagapag­tangkilik nito na bumubuhay sa industriya. “Ipakita natin ang ating suporta sa ABS-CBN,” ayon sa grupo, “Ipaabot sa lide­rato ng administrasyon na tutol tayo sa hindi makatarungang pag-abuso sa kapangyarihan ng gobyerno. Ipaglaban ang malayang pamamahayag! Trabaho hindi paghihiganti!,” dag­dag ni Montemar.

Sa panahon ngayon, isang institusyon na ang ABS-CBN na mataas ang credibilidad sa madlang tao lalu na sa paghahatid ng mga balita at serbisyo publiko. Hindi lang ito naghahatid ng mga balita at impormasyon kundi nasa scene of the action kapag may mga kalamidad at may mga kababayan tayong nangangailangan ng tulong at saklolo.

Kaya kung matapos ang maraming taon ay  tuluyang magsasara ang network na ito, marami ang malulungkot kaya harinawang magbago ang takbo ng hihip ng hangin at hindi maputol ang operasyon ng ABS-CBN.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with