EDITORYAL - Pagpapapayat ng mga ‘obese’ na pulis
(Pilipino Star Ngayon) - February 16, 2020 - 12:00am

Tumatalima na ang mga “obese” na pulis sa direktiba ni PNP chief Lt. General Archie Gamboa na dapat mag-reduce ang mga ito. Noong nakaraang linggo, pinangunahan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Major General Debold Sinas ang pag-eehersisyo at paglulunsad ng Body Mass Index Reduction program sa Camp Bagong Diwa. Target umano ni Sinas na ma-trim down ng hanggang 110 kilos.

Matatandaang nagbaba noon ng direktiba si General Gamboa, na dapat magbawas ng timbang ang mga pulis. Bukod sa kailangang maging fit ang mga pulis para makatupad sa tungkulin, isa rin ito sa pagbabasehan para makakuha ng inaasam na promosyon. Ginawa ni Gamboa ang kautusan bago ang sorpresang pagtatalaga sa kanya sa puwesto ni President Duterte noong nakaraang buwan. Tatlong buwan na naging officer-in-charge ng PNP si Gamboa makaraang magretiro si dating PNP chief Ge-neral Oscar Albayalde.

Sa direktiba, bago ma-promote ang pulis, kailangang ang kanyang timbang ay naaakma sa body mass index (BMI). Ang resulta ng BMI ang magde-determine kung maaaring ma-promote ang pulis o hindi.

Ayon sa PNP chief bagama’t mahalaga rin ang pag-aaral o schooling ng pulis, mas mala-king puntos kung physically at mentally fit ang mga ito.

Kapansin-pansin na maraming pulis ang overweight sa kasalukuyan. Hindi lang ang mga pang­karaniwang pulis ang overweight kundi marami rin ang mga matataas ang ranggo.

Ang sinimulan ni General Sinas na pagbabawas ng timbang ay isang magandang hakbang para tularan ng iba pang pulis. Mahalaga na fit na fit ang mga pulis para mapagsilbihan at maproteksiyunan ang mamamayan. Maganda at kaaya-ayang tingnan ang mga pulis na may magandang pangangatawan. Sana tuluy-tuloy na ang pagpapapayat ng mga overweight na pulis.

ARCHIE GAMBOA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with