Valentine’s bakit naging araw ng mga puso?
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - February 14, 2020 - 12:00am

NAGKUKUMAHOG ngayong araw ang mga magkasintahan na magregaluhan ng tsokolate, rosas at pabango; magsine at kumain sa labas; at mag-short time sa roman­tikong tagpuan. Sa tindi ng mga aktibidad walang makakaisip kung bakit nga ba tinakda ang St. Valentine’s Day na araw ng mga puso?

Nagsimula ‘yon nu’ng taong 500, nang hirangin ni Pope Gelasius ang Peb. 14 bilang piyesta ni St. Valentine at mga martir na kapangalan niya. Pero nauna pa ru’n pina­sisinayaan na ng mga sinaunang Romano ang kalagitnaan ng Pebrero para sa romansa. Sa araw ng Lupercalia ipinagpapares-pares ang mga binata’t dalaga sa pamamagitan ng pagbunot ng mga pangalang nakasulat sa papel sa dalawang banga. Ang mga Greko naman ay nagkakasiyahan sa kalagitnaan ng winter kung kailan ikinasal ang diyos na Zeus kay diyosang Hera. Tatlong santo ang may pangalang Valentine o Valentinus. Pero dahil katiting ang kaalaman sa kanila, inalis na sa kalendaryong Katoliko ang Valentine’s Day noong 1969.

Ang orihinal umano na St. Valentine’s ay isang Kris­ti­yano na tumangging maging pagano kaya sinentensiyahan ni Roman Emperor Claudius II na patayin. Maski nakakulong napagaling ni Valentine ang malubhang sakit ng anak ng tagakulong, na nagpabinyag na Kristiyano kasama­ ang pamilya. Ganunpaman, binitay rin si Valentine. Isa pang kuwento, ang tunay umanong St. Valentine ay obispo ng Terni na minartir din. Pareho silang walang kina­laman sa pag-iibigan, ano?

May alamat na si Valentine ay pari na Romano na naging simbolo ng mga magsing-irog. Ipinagbawal umano sa Roma ang pag-aasawa ng mga nakababatang sundalo dahil nababawasan ang sigasig sa pakikidigma. Kontra si Padre Valentine doon kaya palihim niyang ikinakasal ang mga binatang sundalo sa mga kasintahan. Para makilala ng mga sundalo, meron siyang singsing na nakaukit si Cupido.

VALENTINE’S DAY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with