Naku naman Phivolcs
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - February 13, 2020 - 12:00am

Sa rami ng pumapasok na balita at opinyon sa aking Face­book ay nalalaman ko ang tungkol sa maraming bagay na hindi ko nakikita sa diyaryo, telebisyon at naririnig sa radyo. Ilan sa mga kaibigan ko siguro dapat ay mag-apply nang komentarista sa rami ng opinyon at hugot.

Nagkukuwentuhan kami ng kaibigan kong si Eloisa Matias at sang-ayon ako sa mga nakakalito, kundi naka­babalisang, mga balita tungkol sa umano’y pagkawala o “pagnanakaw” ng dalawang solar panel mula sa Mayon Observatory. Baka lang hindi namamalayan ng iba na hindi lang Taal Volcano ngayon ang iniilagan at binabantayan.

Nagpapasalamat ang marami sa Panginoon na bumaba­ na ang alert level sa mga danger zones sa paligid ng Taal sa level 3. Harinawa na magtuloy-tuloy na ang pag­himlay nang nag-aalburotong bulkan. Pero heto naman ang Mayon­. Mayroong liyab mula sa ilalim na naaaninag. Crater glow ang tawag. Alert level 2. Ngunit nilinaw na ang alert level 2 na ito ay mula pa noong 2018.

Tama nga naman ang mga puntos sa usapan ukol sa binalitang “pagnanakaw” ng solar panel: Kung galing­ Bicol­ ang magnanakaw, eh ‘di ba’t alam naman nito ang kaha­lagahan ng mga solar panel na ito para sa sarili nilang­ kaligtasan? Bakit nga naman nanakawin? Saan naman ibebenta ‘yan? Ang observatory ay nasa Mayon rest house na nasa kalagitnaan paakyat ng bulkan. Ang taas na nito.

Paano naman mananakaw ang solar panels nang walang nakaramdam? Binitbit nila pababa ang dalawang solar panel? Nasa 8x5 feet ang sukat ng bawat panel na may bigat na 40 pounds. Mas malaki kapag mas malawak ang sakop.

At kung nawala man o nasira ang solar panels ng obser­vatory, wala bang pamalit o plano ang observatory? Ang buong kapasidad ba na mag-recording ng bulkan sa ob­ser­vatory ay zero na, dahil sa nawala ang dalawang solar panel? Wala talagang generator para sa emergency? May 150 watts ang bawat isang solar panel.

Hindi naman siguro masasabi pang marumi ang isip kung kukuwestiyunin ang lohika rito, ano? Nakakapagtaka lang, wala bang ibang kumukuwestiyon? At ganoon talaga kalakas ang loob ng mga namumuno roon na ito ang kanilang iuulat sa bayan? 

At habang tayo’y nasa usapan ng mga bulkan: pababalikin pa ba talaga ng mga lokal na opisyal ang mga naninirahan sa isla ng Taal kapag nawala na ang peligro roon? Napakatagal na palang permanent danger zone ang isla at paligid ng bulkan. Hindi nakikinig ang tao, dahil hindi sumusunod at nagpapatupad ng batas ang lokal na pamahalaan.

Pagkatapos nang napakalaking gulo sa paglikas ng tao, pagkawala ng kabuhayan at pagkasira ng mga tahanan, pagsakripisyo sa mga kawawang walang laban na mga hayop at alaga ngayon ay pagsustento sa lahat ng mga nailikas...tayo bang lahat kaya ay natuto na? Wala tayong kalaban-laban. Hindi na dapat isinusugal ang kaligtasan ng tao at tila nakikipagpatintero sa kalikasan.

PHILVOCS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with