Mag-ingat sa krimeng kasunod ng fake news
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - February 11, 2020 - 12:00am

NUNG nag-alboroto ang Taal Volcano, naglipana agad ang news fakers sa Internet. Iba-iba ang motibo. Mag-ingat at baka mabiktima ng krimen.

Sa phone messages kumalat ang retrato ng crater na nagliliyab at maitim ang usok, kuha umano mula sa helicopter ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Sa totoo imahe ‘yon ng Santiaguito lava dome, nung sumabog ang Santa Maria volcano, Guatemala, nung 2009. Nagpapasiklab lang siguro ang kumopya, na kesyo may contacts siya sa loob ng Phivolcs. Kinilig siya sa paspasan pero malisyosong pagsaliksik.

Sa phone SMS din kumalat ang pekeng “NDRRMC Bulletin #1” na nagbabalang naka-Alert Level 5 na ang Taal. Ibig sabihin, sumasabog na kaya malamang mag-volcanic tsunami. Halatang palso dahil tumataas na kuno ang tubig dagat sa Tagaytay City, sa bangin na tumatanaw sa Taal. Wala naman dagat du’n sa bundok. Pero marami pa ring nag-panic.

Isa pa ang text na nagpayo: “Ipatay ang cell phones mamayang 10:30 ng gabi hanggang 3:30 ng madaling araw, dahil sasambulat ang radiation, nuclei-atomic ... huwag itabi ang CP sa pagtulog ... ibinalita ni Kuya Kim at BBC News ... ikalat sa mga minamahal.” Noon pang 2014 pinabulaanan ni Kuya Kim Atienza, weather-caster ng ABS-CBN, ang kalokohan. Inulat ng BBC ang pagkalat ng scam sa Ghana nung 2010, at sa America nung 2008. Pasakalye ‘yon sa krimen, estilong “dugo-dugo”, babala ng Coolbuster.net. Hihingan ang kamag-anak o kaibigan ng pera dahil naaksidente umano ang target. Hindi nila ito mabeberipika dahil off ang CP. Balisa, magbibigay sila ng phone load o bank transfer.

Sinamantala rin ng cybercriminals ang evacuation. Naglipana sa online ang mga pekeng organisasyon ng mga humihingi ng saklolo at donasyon. Pinagkitaan nila ng maduming pera ang kahandaan ng mga Pilipino tumulong sa mga nasasalanta.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

TAAL VOLCANO
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with