Iwasan ang pagkansela ng klase tuwing sakuna
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - February 10, 2020 - 12:00am

Lindol, pagsabog ng bulkan, bagyo, baha, landslide. Sukatin dapat ang pinsala sa edukasyon ng bata ng mga paulit-ulit na sakuna. Sinususpindi ang klase nang ilang araw, nagiging evacuation ang paaralan, at balisa sila. Alam natin na mas mahabang oras sa silid-aralan, mas mabuti sa kanila.

Kaya ang malimit na gulo sa pag-aaral ay nakakapurol sa kaalaman. Kung gaano ay hula-hula na lang. Oo nga’t nagme-makeup classes sa ilang Sabado, at regular na ineeksamen ang scholastic standings ng mga bata. Ganunpaman, sa pagtapos ng school year, lahat sila ay ipinapasa, parang conveyor belt sa pabrika, upang makapasok ang kasunod na batches. Kapos hindi lang ang classrooms kundi pati guro para maasikaso ang mga napag-iwanan. Bahala na kung makahabol sila sa mga kasunod na grade levels.

Pero nakakahabol nga ba? Hindi -- kung ikukumpara sila sa mga bata sa ibang bansa. Nu’ng 2018 tinesting ang mga 15-anyos sa 79 bansa ng Program for International Student Asessment. Pinaka-mababa ang mga Pilipino sa Reading, at pangalawa sa kulelat sa Math at Science. Apat sa bawat lima ang hindi naintindihan ang simple at maiksing artikulong Ingles na ipinabasa. Kumbaga, isa lang sa lima ang nakabuo ng bagong ideya mula sa binasa. Napulpol ang pagsasanay sa kanila sa Reading sa Grades 1-3, nung simula pa lang tinuruan ng alphabet, mga salita, at pangungusap, anang mga eksperto. Kaya hindi rin nila nagagap ang Math at Science mula noon.

Bukod sa gulo ng sakuna, may mga iba pang dahilan. Mapurol na pagsasanay sa teachers, kapos sa classrooms, at mababang gasta ng estado sa edukasyon. Pero marami ring reporma: trilingual na pagtuturo, mas konting estudyante bawat klase, mataas na pamantayan sa principals. Ang hindi nagbago ay ang bulabog ng sakuna sa eskuwela.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

SAPOL
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with