Ang bigat ng politika sa Navotas
ORA MISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - February 10, 2020 - 12:00am

Ang tahimik na Navotas City ay nagising dahil sa mga balita tungkol sa naging aksyon ni Navotas Mayor Toby Tiangco.

Ano ‘yon?

Ang diumano’y pananakot ng isang barangay chairman?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon sa mga kuwento na naglabasan sa ilang dyaryo, diumano’y pini-pressure ni Tiangco si Barangay Tangos Chairman Wilfredo Mariano dahil dinadamay umano nito ang kalaban sa politika sa isang kidnapping case para ito makamote?

 Ang kidnapping case ay nag-ugat sa pagkakahuli ng isang pinaghihinalaang vote buying activities noong Mayo 2019 na dinala sa tanggapan ni Mariano ng supporters ng Tiangco’s rival, vice mayoralty candidate Raymond Cruz.

 Alinsunod sa mga kuwento ng balita, noong Mayo 13, 2019, sinabi ni Mariano na may grupo ng madlang people na dumating sa kanyang opisina sa barangay hall sa Tangos na may hinihilang tao, na sinasabing kabilang sa vote buying matapos itong ilipat sa kanya ay umalis na raw ang grupo. Ang hinihinalang vote buyer na kinilalang si alyas Rommel Sopera, driver ng Navotas City Hall ay nakasuot ng t-shirt na may pangalan ni mayoralty candidate Tiangco. 

Ang mga akusasyon ay itinanggi ni Sopera at siya raw ay nagdadala lamang ng pagkain sa kampo ni Tiangco para sa mga poll watchers.

 Dahil sa walang nagrereklamo laban sa kanya, sinabi ni Mariano na nag-file ng complaint si Sopera laban sa grupong nagdala sa kanya sa barangay hall, dahil ang ginawa sa kanya ay labag sa kanyang kagustuhan at karapatan. Ang kanyang cellphone at pera ay kinuha pa raw ng grupo.

 Ayon kay Mariano, tinulungan niya si Sopera sa pag-file ng kanyang complaint at sinamahan pa ng dalawa niyang barangay tanod para kunin ang motorsiklo na kanyang iniwan malapit sa voting precinct.

Sinabi ni Mariano, matapos ang dalawang buwan, siya ay nakatanggap ng subpoena na nagsasabi na siya ay may mga kasong  kidnapping, illegal detention, robbery at ang paglabag sa Omnibus Election Code, kasama ang dalawang iba pa na sina dating ­congressional candidate Rico de Guzman, abogado ng PDP-Laban na lumaban kay Tiangco noong 2013 at Roando Morato, driver ng van na nagdala kay Sopera sa barangay hall.

 Kamakailan lamang, sinabi ni Mariano na may natanggap siyang isang resolution na nilagdaan ni City Prosecutor Rennet Evangelista na nagrerekomenda sa pag-file ng kidnapping charges laban sa kanya at kay Morato.

Si De Guzman ay exonerated dahil hindi kailanman napatunayan na nandoon siya malapit sa bisinidad ng pinangyarihan.

 Sabi ni Mariano, humingi siya ng tulong kay Tiangco na nagsabing bigyan siya ng dokumento tungkol sa kaso.

  “Mabigat itong kaso mo. Mahirap ito. Ituro mo na lang yung dalawa pang kasama mo para maayos natin ‘to,” sabi raw sa kanya ni Tiangco.

Sabi ni Mariano, may hold departure order siya sa Bureau of Immigration. Malamang ginamit niya ang kanyang mga koneksyon para idiin ako sa kaso  at ikanta ko rin ang mga Cruzes sa diumano’y kidnapping case.Marami pang mga pangyayari sa Navotas ang nangyari kaya tuloy nakakatakot diumano si Tiangco kapag naging kalaban mo sa politika?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ano sa palagay ninyo?

Abangan.

TOBY TIANGCO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with