Mga anak ang binenta
IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - February 9, 2020 - 12:00am

(Unang bahagi)

Ang kasong ito ay tungkol sa “human trafficking” sa ilalim ng Section 4 (a) at (e) ng RA 9208 pati Section 6 (a) at (b) na nagpaparusa sa pagkuha, pagbiyahe, pagbibigay o pagtanggap ng tao para sa prostitusyon, pornograpiya, pagbebenta ng laman, sapilitang pagtatrabaho, pag-alila, pambayad utang o pagtanggap ng bayad para pumayag ang isang tao na may hawak sa kanyang kapwa na ibenta para sa prostitusyon, ibugaw o gawin ang kung anu-anong kababuyan  pati na rin ang pagbebenta ng lamanloob.

Mas mabigat ang parusa kung ang taong sangkot ay ang ninuno, magulang, kapatid, guardian o kahit sinong tao na may awtoridad sa biktima. Ito ay ipapaliwanag sa kaso natin ngayon.

Ang kasong ito ay tungkol kay Mirasol at ang asawa niyang si Sven. Isang simpleng maybahay si Mirasol samantalang trabahador sa printing press si Sven. May tatlo silang anak na babae, sina Kriza na 14-anyos, Lucy, 10, at Lyca, 9. Noong trese anyos si Kriza ay isinama siya ni Mirasol sa isang hotel at ibinugaw kay Michael.

Ayon pa kay Kriza, tatlong taon bago nangyari iyon, inuutusan na raw siya ni Mirasol na magsuot lang ng panloob at gumawa ng kung anu-anong kahalayan sa harap ng computer para sa mga parukyano ng ina sa cybersex sa loob ng tatlo hanggang apat na beses isang linggo.

Sumang-ayon sina Lucy at Lyca sa kuwento ng kanilang ate. Sabi ng dalawa, inuutusan sila ni Mirasol na magsayaw ng nakahubad sa loob ng dalawang taon habang nakikipag-chat ang kanilang ina sa customer na si Jim na madalas nilang parukyano.

Idinagdag pa nina Lucy at Lyca na kapag nakasalang sila, nasa labas naman ng kuwarto ang tatay nilang si Sven at inaayos ang computer. Lahat daw ng tatlong bata ay pinipilit na gumawa ng iba’t ibang klase ng kahalayan sa harap ng computer at pagkatapos ay kukunin ni Sven sa remittance center ang bayad ng mga parukyano para pantustos ng panggastos nila sa bahay.

Bandang huli, humingi ng tulong si Kriza sa DSWD para iligtas sila. Nakipagtulungan ang mga kinatawan ng DSWD sa mga operatiba ng NBI para saklolohan ang mga bata.

Nang magsagawa ng imbestigasyon, natunton ang pornographic websites kung saan binebenta ang mga litrato ng bata.

Kumuha ng search warrant ang NBI para mailigtas sina Kriza, Lucy at Lyca sa kamay ng kanilang mga magulang, kumpiskahin ang mga computer at paraphernalia na ginagamit at tuloy arestuhin sina Mirasol at Sven.

(Itutuloy)

HUMAN TRAFFICKING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with