2019 novel coronavirus nilulunasan ng mundo
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - February 7, 2020 - 12:00am

NATURAL na kokonti lang ang kaalaman sa “2019 novel coronavirus”, o “nCoV”. Kasusulpot lang kasi ng malawa­kang sakit sa tao ito. Kaya nga ang tawag ay “2019”, mula sa taon na unang naiulat nu’ng Disyembre, at “novel”, ibig sabihin, bago. Nagkukumahog ang mga medical scientists sa buong mundo na huwag kumalat sa kani-kanilang bansa ang epidemya. Ginagamit ang mga dating kaalaman tungkol sa ibang strains ng coronavirus para laba­nan itong bagong litaw. At tine-testing kung uubra sa tao ang mga gamot at bakuna na ginagamit noon pa sa alagain hayop.

Tinitiyak kung saan nagmula ang nCoV. Bigla itong kumalat sa Wuhan City, China. Nu’ng una hindi ito pinansin. Nakuha kasi umano ang sakit sa palengke ng isda sa Wuhan; e hindi naman nakakahawa ng sakit ang seafoods; ang mga dating coronavirus ay galing sa hayop at nahahawa lang ang tao; hindi akalaing nagkakahawaan ng nCoV ang tao sa tao. Pero biglang sumipa ang bilang ng impektado. Sa loob ng dalawang linggo nu’ng Enero, mahigit 10,000 ang naospital sa Hubei, at mahigit 210 ang namatay. Pati sa 20 ibang bansa sa Asia, Europe at America biglang nakitaan ng virus mula umano sa mga biyahero sa China. Anang maraming eksperto, sa paniki umano nakuha ang nCoV. Dati nang taglay ng mga lumilipad na mammals ang coronavirus. Nagkataong delicacy at pamahiin kainin sa Hubei ang paniki, para sa kalusugan, romansa, kasaganaan, katalinuhan, at kasayahan.

Nakakasira ang masamang nakalipas ng China. Ugali ng pamunuang Komunista sa Beijing na itago ang mga na­unang epidemya roon nitong nakaraang dalawang dekada: SARS (severe acute respiratory syndrome), influenza Type-A H1N1, at iba pang uri ng bird flu. Inutos ni President Xi Jinping na puksain agad ang nCoV, at nangako ang Beijing na mag-uulat nang lubos sa World Health Organization. Pero duda pa rin ang mundo sa bansang nag-iimbento ng kasaysayan.

2019 NOVEL CORONAVIRUS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with