^

Makikipagtulungan ka o manghihimasok ang BITAG?

BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - February 5, 2020 - 12:00am

Simple lang kausap si BITAG, kapag kumatok ako sa iyong tanggapan o tumawag para linawin ang isang sum­bong, alin lang sa dalawa, makikipagtulungan ka o manghihimasok ako nang tuluyan. Kung makikipagtulungan, tapos ang problema.   

Tatlong magkakapatid na Singaporean national ang bumisita sa tanggapan ng BITAG nitong nakaraang Linggo. Nakipila’t matiyaga silang naghintay na makausap ko kasabay ang marami pang mga nagrereklamo. Recording­ artists’ ang tatlo at mga bagitong talent ng ABS-CBN. Niloko raw sila ng kapwa talent sa nasabing network na girlfriend ng isang congressman sa Iloilo.

Millennials ang tatlo pero nagpo-produce na sila ng mga concerts, events at music. Ito rin ang ginamit sa kanila ng kasamahan para lokohin at gantsuhin. Kinausap daw siya ng kapwa talent na mag-finance at kumuha ng mga talent na magpe-perform sa isang malaking okasyon sa Iloilo. Matapos gumastos at mag-perform ang tatlo kasama ang iba pang talents, hindi na sila binayaran.

Nanggagalaiti ang Singaporean dahil binarat na nga sila, hindi pa tumupad sa usapan ang kaibigang nagdala sa kanya sa Iloilo. Sa halagang P320,000, nanganib daw ang buhay nilang magkakapatid. Tinakot pa raw sila ng kaibigang talent na ipakukulong sila at hindi na makakauwi ng Iloilo. Kinaladkad pati ang pangalan ng kanyang boyfriend na congressman para hindi na mangulit pa ang Singaporean nationals.

Walang kamag-anak o kakilala ang magkakapatid na dayuhan dito sa Pinas kaya’t ikinagulat ko ang paglapit nila sa akin. Nag-search daw sila sa Google kung sino ang dapat lapitan kapag niloko ng mga pulitiko, BITAG daw ang lumabas na resulta.

Bawat nagrereklamong lumalapit sa BITAG, hindi namin sinasayang ang tiwala. Hindi sa nagpapasikat, hindi naman kami binabayaran para gawin ito, tumatayo kami sa sinumpaang tungkulin at adbokasiya.

Tinawagan ko ang ABS-CBN talent na inirereklamo at nakiusap akong kausapin at ipaliwanag ng mahinahon sa Singaporean ang problema. Ako mismo, saksi sa pangtsu-tsubibo ng kolokay sa biktima, wala talaga itong balak magbayad. Nakiusap ulit ako, huwag niyang hayaang manghimasok ang BITAG. Nadeliver ng mga dayuhan ang serbisyo, nagsaya’t nakinabang sila sa resulta ng performances, marapat lamang na bayaran.

Inimbita ko sa aking tanggapan para personal silang pagharapin at pag-usapan ang problema. Nangakong dadating kinabukasan subalit ang nangyari, dineposito na ang bayad sa bank account ng Singaporean.

GIRLFRIEND NETWORK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with