Tapyas-presyo sa petrolyo
ORA MISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - February 3, 2020 - 12:00am

Magpapatupad ng malakihang rolbak sa presyo ng petrolyo ngayong papasok na linggo dahil sa patuloy na pagbaba sa ‘demand’ sa petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.

Muling nauna sa bawas-presyo ang Phoenix Petroleum nitong alas-6:00 ng Sabado. Tinapyasan nila ng P2.00 kada litro ang presyo ng Diesel at P1.60 naman sa presyo ng gasolina.

Wala pa namang anunsyo ang ibang kompanya ng langis kung tatapatan o mas malaki pa ang kanilang itatapyas kumpara sa ipinatupad ng Phoenix.

Ito na ang ikatlong magkakasunod na rolbak ngayong 2020. Mula Enero 1, higit P4.50 sa diesel at P4 na sa gasolina ang ibinaba ng presyo ng mga ito.

Isa pa rin sa nakikitang dahilan ng pagbaba ng presyo ng langis sa internasyunal na merkado ang bumababang demand nito sa China, na epekto umano ng pagkalat ng bagong coronavirus doon.

Nauna rito, nagpatupad na rin kahapon ang Petron Corporation ng bawas-presyo sa ‘liquefied petroleum gas (LPG)’. Nasa P2.20 kada kilo ng LPG o P24.20 kada 11-kilong tangke ang kanilang ipinatupad na rolbak.

Nagtapyas din sila sa presyo ng kanilang Auto-LPG sa P1.95 kada litro dakong alas-6 kamakalawa ng umaga. (Danilo Garcia)

Iwas sakit kaya may temporary ban                                                                     

Sa wakas ipatutupad na rin sa Philippines my Philip­pines ang temporary ban sa mga pasaherong galing China, Macau at Hongkong matapos magpalabas ng direktiba si Boss Digong na idinaan kay Executive Secretary Salvador Medialdea sa containment at neutralisasyon ng paglaganap ng novel coronavirus.

Idineklara ng World Health Organization ang global emergency, ang Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infections Diseases ay inaprubahan at inirerekomenda ang mga alituntunin para sa guidelines ng 2019 Novel Coronavirus Acute Respiratory Disease Sitwasyon.

Dahil sa deklarasyon ng DOH na ang virus ay nakakaapekto sa lahat ng mga rehiyon sa Tsina ay inaprubahan agad ni Boss Digong ang mga inirekomendang alintuntunin ng Task Force katulad ng pansamantalang pag-ban sa pagpasok ng sinumang tao, anuman ang nasyonalidad, maliban sa mga Filipino citizens  at mga may-hawak ng Permanent Resident Visa na inisyu ng gobyerno ng Philippines my Philippines, na direkta galing sa Tsina at kanyang Special Administrative Rehiyon.

Ipinag-uutos din ang mandatory 14 days quarantine para sa madlang Pinoy at Resident Visa holders na nanggagaling mula sa anumang lugar sa Tsina at ang Special Administrative Rehiyon. 

May temporary ban sa madlang Pinoy na bumiahe sa Tsina at ang Special Administrative Region.

Kailangan mahigpit na sundin ang mga hakbang sa kalinisan tulad ng regular na paghuhugas ng kamay at magsuot ng surgical mask sa mga matataong lugar. 

Kailangan mag-ingat ang madlang Pinoy para na rin sa kaligtasan ng lahat hanggang ang panganib ng nakamamatay na sakit ay mawala.

Hindi biro ang 2019 novel coronavirus dahil kapag minalas-malas dito ang may sakit tiyak dedbol kaya naman kinatatakutan ito hindi lang sa Philippines my Philippines kundi maging sa buong mundo.

Sabi nga, sa Philippines my Philippines sinasabing may isa ng namatay sa sakit na ito.

Ang importante mag-ingat at maging malinis sa sarili para hindi na kumalat pa ang sakit na coronavirus at tama lang may temporary ban na sa mga taga - China, Macau at Hongkong dahil sa una nanggaling ang sakit na ito.

Abangan.

PETRON PHOENIX PETROLEUM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with