Binawi ang bangkay (Unang bahagi)
IKAW AT ANG BATAS! - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2020 - 12:00am

Isang kaso na naman ito tungkol sa magka “live-in”. Ang kontrobersiya ay sa pagitan ng legal na asawa at ng kabit ng mister na namatay. Ang isyu ay kung sino sa dalawang babae ang may karapatan para ipalibing ang lalaki.

Puwede kaya na sagutin ng kabit ang lahat ng gastos sa pagpapalibing sa bangkay at doon pa mismo ilagay ang labi ng lalaki sa museleo ng pamilya nila sa kabila ng pagtutol at kagustuhan ng legal na asawa na ilibing ang mister sa lote ng pamilya sa sementeryo? Ito ang isyung ating sasagutin.

Ang kasong ito ay tungkol kay Atty. Antonio na partner sa isang law office. Kasal siya kay Denise at may limang anak sila, dalawang lalaki at tatlong babae pati isang legal na ampon. Sa kabila ng kanilang malaking pamilya ay hindi naging maganda ang kanilang pagsasama at tuluyan silang naghiwalay.

Matapos ang dalawampung taon ay niligawan ni Attorney ang kliyente niyang si Marj. Nagkasundo silang magsama bilang mag-asawa pero sa kabila nito ay hindi nakalimutan ng lalaki ang kaniyang obligasyon na magbigay ng sustento kay Denise at sa kanilang mga anak.

Habang nakikisama kay Marj ay nagkasakit si Antonio. Inalagaan siyang mabuti ni Marj at binayaran pa ng babae ang lahat ng gastos sa ospital. Hindi tulad ni Denise na walang pakialam sa asawa. Pumunta pa nga ang babae sa Amerika kahit pa nag-aagaw-buhay na si Antonio sa ospital at comatose na.

Habang nasa Amerika si Denise at mga anak para doon magpasko at matapos ang tatlumpung-taong kasal nila ay binawian ng buhay si Antonio. Namatay siya dahil sa sakit na emphysema.

At dahil walang kahit sinong kaanak ang naroon para mag-asikaso sa bangkay ay nagkusa na si Marj para bayaran ang lahat ng gastos sa pagpapalibing kay Antonio.

Iyon nga lang, nang malaman ni Denise ang tungkol sa pagkamatay ng mister ay tinawagan niya si Marj para ipagpaliban ng ilang araw ang pagpapalibing sa bangkay. Hindi siya pinagbigyan ng kabit at agad nitong ipinalibing ang bangkay ni Antonio sa museleo ng pamilya. Tuloy ay hindi na umabot sa burol at sa libing ni Antonio sina Denise at ang mga anak.

(Itutuloy)

BATAS DENISE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with