PCSO chief Garma, dinedma ang P5 milyong suhol!
DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2020 - 12:00am

Umabot na sa mahigit P2 bilyon na ang nasingil ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Gene­ral Manager Royina Garma sa pagkakautang ng mga de­linquent authorized agents ng Small Town Lottery (STL) na hindi nakapagbayad ng kanilang tinatawag na Presumptive Monthly Retail Receipt (PMRR).

Sinabi ni Garma sa Dipuga na may halos P4 bilyon pa silang sisingilin at nagbanta siya na hindi niya pabubuksan ang mga tiwa-ling STL operators kapag hindi nila na­ba­yaran ng buo ang kanilang pagkakautang.

Kung sabagay, malaking tulong ang maiambag nitong P4 bilyon kapag nasingil ng PCSO at marami pa silang matutulungan na mga mahihirap, lalo na ang mga may sakit.

May kumakalat pang balita na ang mga delinquent authorized agents ng STL ay sinusuhulan si Garma ng P5 milyon kada buwan para lang sa katahimikan nito para maipagpatuloy nila ang kanilang ilegal na negosyo at dahan-dahan makabayad sila ng utang. Subalit tinabla ni Garma ang alok na P5 milyon dahil ang nasa isipan niya ay ayusin ang takbo ng PCSO, alinsunod sa kagustuhan ni President Digong. Get’s n’yo mga kosa?

Kung sabagay, kasalanan din ng mga authorized agents ng STL kung bakit inabot nila ang delubyo na hinaharap nila sa ngayon. Kasi nga, noong nagdaang mga taon, kinutsaba nila ang mga opisyales ng PCSO at itinaas ang PMRR nila para makuha ang STL operations ng mga probinsiya. Karamihan sa kanila mga mistah ng dating PCSO officials. Kapag hindi sila nakapagbayad ng PMRR, panay apply nila ng TRO para itali ang kamay ng taga-PCSO para hindi matigil ang dating ng pitsa sa bulsa nila. Subalit sa kasamaang palad, ikinumpas ni Digong ang kamay na bakal niya at itinalaga si Garma sa puwesto at hayun nabisto ang raket nila. Teka nga pala! Di ba nangako ang anti-graft body ni Digong na ilalabas nila ang resulta ng imbestigasyon sa corruption sa PCSO? Subalit lumipas na ang Enero e wala pa. Magkano...este Bakit? Abangan!

ROYINA GARMA STL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with