^

PSN Opinyon

Chinese entry binawal na

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KATAKUT-TAKOT na batikos ang inabot ni Presidente Duterte dahil hindi agad ipinagbawal ang pagpasok ng mga dayuhang Chinese sa bansa mula sa mga lugar sa China na malubhang apektado ng nCoV partikular sa lalawigan ng Wuhan na sinasabing pinagmulan ng karamdaman.

Bago nagdeklara ng ban ang pamahalaan, kinaila­ngan pang kumpirmahin ng Department of Health ang unang kaso ng nCoV nang mapatunayan na ang isang ba­baeng Chinese na mula sa Wuhan province na siyang­ pinagsimulan ng karamdaman. Mahigit na umano sa isandaan katao sa China ang namamatay dahil sa ka­ram­da­mang ito.

Binabatikos si Duterte dahil para raw binibigyan niya ng espesyal na pabor ang bansang China kaya kahit nagmula roon ang sakit ay hindi pinagbabawalan ang mga Tsino na makapasok sa Pilipinas. Kaya dahil dito, nagpa­tupad na ng pansamantalang ban ang pamahalaan­ sa pagpasok sa ating bansa ng mga Chinese mula sa mga apektadong lugar sa China.

Hindi naman talaga maituturing na insulto sa China­ pigilin man pansamantala ang pagpasok ng mga mamama­yan nito sa Pilipinas dahil pinipigilan lang naman natin­ ang paglobo ng kaso ng mga taong dinarapuan ng karamda­mang dulot ng Novel Coronavirus. Tiyak ko na nagpapa­tupad din ng ganitong hakbang ang ibang mga bansa sa daigdig dahil isa nang international risk ang natu­rang virus.

Idineklara na ang World Health Organization na ang karamdamang ito ay isang pandaigdig na panganib sa kalusugan. Sa tingin ko, ito’y maituturing nang isang pan­demic na ang ibig sabihin ay mas malawak pa sa epidemiya.

Sa ngayon, marami pa ring nakapasok na Chinese nationals sa bansa na kinakitaan ng kahinahinalang sintomas ang under observation s a iba’t ibang ospital para alamin kung ang kanilang sakit ay dulot nga ng nCoV. Pero bakit ang tawag ng DOH sa kanila ay under investigation? Dapat under observation dahil hindi naman isang krimen ang pagkakasakit.

Bakit nga ba ngayon lang nagpasya ang Pangulo na pansamantalang pigilin ang pagpasok sa bansa ng mga Chinese? Well, sabi nga, better late than sorry.

vuukle comment

NCOV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with