^

PSN Opinyon

Senator Risa, bubulatlatin ang mga Chinese prosti

ORAMISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

ALAM na alam ng mga galante at mayayaman bogling Pinoy ang mga lugar ng pinaglulunggaan ng mga Chinese prosti na nakalungga sa iba’t ibang KTV at mga bahay parausan sa Metro Manila.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ito ngayon ang subject ng pangangalkal ni Senator Risa Hontiveros ilang araw mula ngayon para  magkaalaman kung sino ang mga nakapatong dito sa Chinese ‘kangkangan’ operation.

Naku ha!

Bukohin kaya ni Senator Risa ang mga nagkakamal ng salapi sa Chinese prostitution?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ‘yan ang babantayan nang madlang people dahil hindi na biro ang ‘kangkangan’ blues operations ng mga Chinese prostitution puera pa siempre ang mga Russian girls na dumarami na rin ngayon at nagbebenta na rin ng aliw sa mga may perang ma­ngangangkan. Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naging talamak ang prostitution sa Philippines my Philippines ng dumagsa ang Philippine Offshore Gaming Operators o POGOs dito.

Sabi nga, ng NBI ‘online’ na raw ang booking sa mga Chinese prostitution na kalimitan ang mga kikil este mali kliente pala ay mga mayayamang parokyano.

Sabi nga, can afford!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang Chinese prostitution ay matagal ng usap-usapan ng mga may perang parokyano noon pa man na gustong tumira sa mga ito dahil nagkalat na ito sa Pasay City, Paranaque City at lsa Aseana.

Ika nga, wala pang POGOs ay uma-arriba na ang Chinese prostitutions sa mga lugar sa itaas.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi sana kakalat ang pinag-uusapan natin kung binigyan ng oras o sineryoso ng mga authorities na hulihin o sugpuin sila. Ang problema sila kasi ang unang tumikim este mali nagbalewala pala.Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi kailangan ng mga pa bright-bright na authorities natin na online prosti lang ang target nila dapat salakayin din nila ang mga naka-lungga sa mga highend leisure and entertainment places KTV bars r’yan sa Aseana sa Macapagal Boulevard at sa mga malalaking casino r’yan sa Pasay at Parañaque na sangkaterba ang mga Chinese prostitutes.

Iba ang style na itinuro ng kanilang mga amo sa mga Chinese prosti, kunwari nasa VIP rooms ang mga ‘putaching’ na parang customers din ng high-end KTV bars/clubs pakuya-kuyakoy sila sa VIP rooms naghihintay na makasilo ng customer.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  dapat sigurong tiktikan ang KTV club ng isang alyas ‘Kim’ sa may Solaire, ang Avia International Club sa may Resorts World Manila,  Tycoon KTV De Luxe sa Aseana, ang K juan ktv sa Binondo,  ang Emperor sa Remedios?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Busisiin?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, baka naman magpakaang-kaang pa ang mga authorities at walang mangyari sa kanila?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas mainam siguro kung si Senator Risa ay dito magpa-hearing?

Oh, dito siya mag-club para malaman niya kung totoo ang mga kuento at masabi niya sa madlang people ang mga nakita niya o na obserbahan niya rito.

Ano sa palagay ninyo?

Abangan.

vuukle comment

SENATOR RISA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with