Mga leksiyon sa trahedya ni Kobe Bryant
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - January 31, 2020 - 12:00am

SA pagsusulat ng kolum na ito, wala pang malinaw na tuldok sa imbestigasyon ng pagbagsak ng helicopter na sinakyan ng basketbolistang si Kobe Bryant ng NBA LA Lakers -- aksidenteng ikinamatay ng isa sa higanteng pangalan sa larong basketball sa buong mundo, ng kanyang 13 taong gulang na anak na babae si Gigi, at ng pitong iba pa. Nakakalunod sa lungkot ang nangyari para sa napakarami. Maaalala ang biglang pagkamatay din ni Princess Diana sa isa ring aksidente o ang pagkamatay ni John Lennon ng grupong Beatles. Tigatig ang buong mundo. Isang trahedyang parang bangungot, hindi pa matanggap o mapaniwalaang nangyari.

Marami ang tanong. Ayon sa mga imbestigador tatagal ng 12 hanggang 18 buwan ang imbestigasyon bago sila maglabas ng report.

Ang mga lumalabas na sa ngayong sagot: * Hindi lumipad ang maraming helicopter ng araw na iyon kasama ang helicopters ng LAPD (Los Angeles Police Department) dahil nga sa maulap masyado. * Malawak at mahaba ang karanasan ng piloto ng helicopter. Siya ang parating piloto na pinagkakatiwalaan sa maraming taon ni Kobe Bryant. * Kaya nagtataka ang lahat: Bakit at paano nagdesisyon ang piloto na lumipad parin gayong alam nya ang lagay ng panahon at may kasama pa siyang mga bata? * Pagkatapos ng pagbagsak din ng ilang helicopter sa Amerika na ikinamatay din ng mga pasahero nito sa mga nakaraang taon, ay nagpanukala na ang mga imbestigador sa Federal Aviation Authority sa Amerika na magsigurado na lahat ng mga ganitong uri ng sasakyan ay mayroon kakakayan na malaman ang terrain ng dinaraanan kapag wala nang makita dahil sa ulap o ulan. Hindi nakinig ang FAA. At walang ganitong nakitang kapabilidad sa bumagsak na helicopter ni Bryant. *Ang modelong ito ng helicopter na renta madalas ni Bryant ay kilalang matibay at ligtas. Kaya, tanong: Bakit? Paano? * Mabilis ang bagsak ng helicopter mula sa 2300 feet. Ibig sabihin ay bigla ang nangyari at high impact ang bagsak na syang pumatay sa 9 nitong pasahero.

Para naman sa akin lang, sa ilan na ring mga balita ng pagbagsak ng mga helicopter at ikinamatay ng mga pasahero nito: Tulad ng pagbagsak ng sinakyan din ni John Kennedy, Jr. o ng ilang mga kilalang personalidad dito sa Pilipinas sa mga nakaraang taon lang, tila simple na: Kapag may babala sa lagay ng panahon ay di na dapat ipagsapalaran ang byahe sa kalye man, tubig o himpapawid. Ito rin ngayon ang tila puno’t dulo ng imbesigasyon ng mga awtoridad sa pangyayari.

Hanggang ‘di pa opisyal ang report, walang maaaring humusga. Ang tangi lang magagawa sa ngayon ay mag-isip ng sandaang beses kung lilipad ng helicopter kapag maulap at mabundok, at...lumuha sa lungkot ng trahedyang sumingil ng buhay ‘di lamang ng kilalang si Bryant at anak, kundi ng pitong iba pa: Ang coach na si John Altobelli at asawa nyang si Kerry, kasama pa ang anak nilang dalagita na si Alyssa. May isa silang anak na hindi kasama sa lipas at ngayon ay ang-iisa sa buhay. Namatay din ang isa pang coach ang half Pinay na si Christina Mauser, na umulila sa tatlong maliliit pang anak. Biktima rin ang nanay na si Sarah Chester at dalagitang anak na si Payton. Ang piloto rin na si Ara Zobayan. Rest In Peace.

KOBE BRYANT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with