Pulis idestino kung saan mas malimit ang krimen
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2020 - 12:00am

Kahit saang komunidad maaring maganap ang krimen. Pero may mga pook na mas malimit ang nakawan o pata­­­yan.

Dahil ‘yan sa sitwasyon ng pook na nagbibigay­ pag­ka­kataon at ikinadadagsa ng krimen. Sa buong Metro­ Manila noong mga dekada-1990, sa Quezon City pinaka-malimit ang bank robberies. Maraming dahilan: Malawak ang QC, konti ang patrol cars, madali ang get away tungo­ sa katabing siyudad (Caloocan, Valenzuela­, Marikina, Pasig, San Juan). Sinanay ang security guards, dinami­han­ ang pulis, binilisan ang responde. Nabawasan ang holdap ng bangko.

Pero malaking bagay din ang trapik­. Nu’ng nabarahan ng sasakyan ang main roads sa QC, kinaba­han na ang robbery gangs na um-operate roon, dahil mala­mang matimbog. Hanggang kamakailan sa Quiapo, Divi­­soria at Sta. Cruz, Manila, dagsa ang mga manduru­kot at mang­­gagantso. Magulo kasi ang mga distrito, kahit sa gitna ng kalye may tinda na nagsusuhol sa City Hall, at ang mga manggagantso at snatcher ay protektado ng pulis. Kung meron kang kilalang officer at naisumbong agad ang pagbiktima sa iyo, maibabalik nga ang nawala mo. Lininis ni Mayor Isko Moreno ang mga kalye at winasak ang mga sindikato. Napaka-aliwalas ngayon at mada­ling mamasyal doon.

Minamapa ng maaagap na pulis ang mga pook kung saan pinaka-malimit ang krimen. Nililista kung holdapan, mandurukot, gang war, at bentahan ng droga at laman, at kung ano’ng araw at oras dumadagsa. Sa gan’ung paraan dine-deploy nila ang kokonting tao, sasakyan, at armas sa mga pook na ‘yon sa tamang oras.

Pero hindi sapat ‘yon. Iniikot din dapat ng patrolmen­ ang lugar para magpakilala sa mga mamamayang masu­­nurin sa batas -- na magre-report ng mga istambay at de-baril, namimili ng nakaw at nagtutulak ng shabu. Linilimitan ang pagsita sa suspetsosong tao na tila may nakasukbit na baril o nakabulsang kontrabando. Pinasisikip nila ang pagkakataon makagawa ng krimen ang mga kawatan.

KRIMEN PULIS
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with