Batas ang baguhin (Unang bahagi)
IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2020 - 12:00am

Sa ating bansa, magkakahiwalay ang kapangyarihan ng tatlong sangay ng gobyerno, ang ehekutibo, lehislatura at hudikatura.

Hindi nila pinapakialaman ang trabaho ng isa’t isa at ginagawa nila ang kanya-kanyang tungkulin ayon sa tingin nila ay tama.

Ibig sabihin din nito ay hindi nila puwedeng saklawan kung ano man ang ginagawa ng dalawang sangay. Sa kasong ito, ang isyu ay ang interpretasyon sa mga batas na ginawa ng kongreso.

Maaari kaya na pakialaman ng korte ang interpretasyon sa batas na ginawa ng lehislatura?

Puwede kaya na pag-aralan ang dahilan kung bakit ito ginawa?

Puwede rin kaya na gumawa ng remedyo kung sakali at hindi naging makatarungan ang kinahinatnan ng batas?

Ang kasong ito ay tungkol sa isang eskuwelahang Katoliko (non-stock, non-profit educational institution) at ng unyon na kung tawagin ay Samahan na kumakatawan sa lahat ng empleyado nito maliban sa mga nasa graduate school na guro at consultant pati ang management.

Ang samahan ay may napagkasunduang Collective Bar­gaining Agreement (CBA) sa eskuwelahan.

Para sa taon 2000-2001 ay nagtaas ng tuition sa lahat ng departamento ng eskuwelahan. Alinsunod sa pinir­mahang CBA ay itatalaga ang 85% porsyento ng dagdag sa tuition para taasan ang sahod at benepisyo ng mga empleyado.

Sa pagtutuos ng dagdag na pasahod ay kinunsidera ng eskuwela ang bawas sa mga estudyanteng enrollees, ang bilang ng hindi pinagbabayad ng tuition tulad ng mga iskolar ng bayan, ang bilang ng mga drop-outs pati ang hindi nakabayad ng buong tuition at mga lugi o bad debts ng eskuwela.

Base sa kanilang kuwenta ay mas mababa ng 3.5 milyon ang tuos ng eskuwela kaysa sa ginawang kuwenta ng unyon. Wala kasing ginawang bawas ang Samahan. Ayaw tanggapin ng unyon ang kuwenta ng eskuwela kaya isinumite nila ang kanilang issue sa voluntary arbitration.

Matapos ang pagdinig sa kanilang kaso at makapagsumite ang magkabilang panig ng kanya-kanyang ebidensiya ay pinaboran ng voluntary arbitrator ang Samahan. Umapela sa CA ang eskuwela pero pareho pa rin ang naging hatol.

Ang ginamit na basehan ng CA ay ang probisyon ng batas (Section 5, RA 6728) na sinasabing ang dagdag sa suweldo ng mga empleyado ay base lang sa itinaas ng tuition at sa dami ng estudyante.

Wala raw kinalaman dito ang bilang estudyante  kada semester at ang matitirang kinita ng eskuwela.

(Itutuloy)

COLLECTIVE BAR­GAINING AGREEMENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with