Serbisyo ng LRT 1 gumanda
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2020 - 12:00am

Congrats sa  Light Rail Manila Corporation (LRMC). Mula nang pangasiwaan nito ang LRT1, nababawasan na ang mga aberya at reklamo ng mga commuters. Ang dalawampung LRT 1 stations ay mas malinis, maliwanag­ at hindi na  nagsisiksikan ang mga commuters­. Pati mga palikuran malinis na. Talagang kung ang pondo ng gobyerno ay hindi dinudugas at napupunta sa korap­syon, tiyak isa-isang natutugunan ang mga problemang may ilang taon ding nagpalugmok sa LRT 1.

Nagamit nang wasto at walang iregularidad ng LRMC ang pondo para sa rehabilitasyon ng LRT 1 kasama ang: P1-B para sa pag-aayos ng structural defects upang matiyak na hindi agad-agad bibigay ang buong istraktura­ kung may kalamidad; P465-M sa pagpapalit ng mga riles para sa mas ligtas na pagbiyahe; P650-M sa reha­bilitasyon­ ng electrical sub-stations; P1.1-B para makumpuni ang mga luma at siradong bagon, breaks, mga pintuan kasama na ang airconditioning system ng mga tren.

Ngayon ay komportable na at nakakahinga nang ma­ayos ang mga commuters dahil hindi na siksikan. Umigsi ang mga pila at ang oras ng paghihintay na dati’y limang minuto higit pa na naging 3.5 minuto na lamang. Narag­dagan din ang biyahe at pinahaba ang oras ng operas­yon mula alas-4:30 ng umaga hanggang alas-10:15 ng gabi kapag weekends. 

Palibhasa, naragdagan ang mga bumibiyaheng Light Rail Vehicles (LRVs) dahil naisaayos na ang mga lumang bagon. Laking benepisyo nito para sa mga taong ginagabi, pati na ang mga empleyado ng call centers.

Sa apat na taong pagma-manage ng LRMC, naka­pag-install ng 560 CCTVs sa mga istasyon upang mapa­ngalagaan ang seguridad ng lahat partikular ng mga mananakay. At hindi lamang ang mga pasilidad ang inalaagaan ng LRMC kundi pati mga empleyado na isinailalim sa safety training course upang mas maayos nilang magampanan ang kanilang pagseserbisyo sa publiko.

Sa mga susunod na taon, inaasahang mas gaganda pa ang LRT 1 lalo na kapag nabuksan ang mga karagdagang istasyon  na mas magiging komportable, moderno at tunay na aangkop sa pangangailangan ng daan-daang libong pasahero nito.

LRT1
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with