STL bookies ni Moriones sa Caloocan, hamon kay Gen. Gamboa!
DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2020 - 12:00am

Nagbola ang bookies ng Small Town Lottery (STL) ni alyas Jun Moriones sa Caloocan City nitong linggo. Kung sa jueteng ang numerong nilalabanan ay 1-37 ang bookies ni Moriones ay 1-40 ang laban kaya maliit ang tsansa ng kanyang parukyano na manalo. Ang tawag sa kanyang bookies ay STL-Pares dahil ang winning com­bination ay kinukuha sa lotto draw. Nagbukas ang STL-Pares ni Moriones matapos niyang mitingin ang kanyang mga management sa isang restaurant bago dumating ang Monumento at nandun si alyas Boyong ng Bagong Silang. Ang nangangasiwa ng STL-Pares ni Moriones ay si alias Archie. Sinabi naman ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Gen. Man. Royina Garma sa DIPUGA na wala pa siyang pinapayagang mag-operate ng STL sa Metro Manila kundi ang nasa area lang ng Eastern Police District (EPD). Kaya maliwanag pa sa sikat ng araw na ilegal ang operation ni Moriones at kung bakit nakaalpas ito sa kaalaman ni Col. Gio Caliao­, ang intelligence chief ng Northern Police District (NPD). Ipinaliwanag pa ni Garma na kapag may illegal gambling, hindi na ito mando ng PCSO kundi ng mga bataan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Archie Gamboa. Hayan ha, malinis ang kamay ni Garma sa STL-Pares operation ni Moriones. Hindi ang PCSO ang dapat sisihin­ kundi ang pakaang-kaang na PNP. Kaya iutos dapat ni Gamboa sa mga bataan niya na hambalusin na ang STL-Pares ni Moriones para hindi masira ang tiwala sa kanya ng madlang people dahil gumaganda na ang takbo ng PNP. Isang pitik lang ni Gamboa tiyak talbog itong si Moriones.

Kung sabagay, hindi lang STL-Pares ang operation ni Moriones sa Caloocan City kundi maging ang lotteng, ending at EZ2. Sumakabilang bakod din si Moriones sa Tondo, Sampaloc at Sta. MEsa at ang bangka niya ay si Don Ramon. Kung ang mga pulis nga ay hindi kinukunsinti ni Gamboa sa internal cleansing program niya, ito pa kayang illegal gambling operation ni Moriones?

Isama na rin ni Gamboa na hambalusin ang mga puwesto ng bataan ni Tony Santos na si Sherwin sa Bukid Area ng Caloocan. Abangan!

JUN MORIONES SMALL TOWN LOTTERY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with