‘Kabayanihan’ ng MMDA enforcer
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2020 - 12:00am

Nang pumutok ang Bulkang Taal isa sa mga pinapurihan ng mga taga-Batangas ay ang Metro Manila Develop­ment Authority (MMDA) dahil naging bahagi sila ng pag­lilikas sa mga residente matapos na ulanin ng abo ang mga kabahayan. May 1,000 MMDA personnel, mga truck at bus ang pinadala ni MMDA Chair Danilo Lim upang mapadali ang paglilikas. Patunay ito na handang tumulong ang MMDA tuwing may kalamidad. Bukod kasi sa mga tauhan at mga sasakyang ipinadala ni Lim may dala rin silang mga pagkain at inumin sa mga biktima ng Bulkang Taal.

Subalit kung sa Metro Manila naman ang ating pag-uusapan halos araw-araw binabatikos ang MMDA ng ating mga kababayan dahil nga sa sobrang trapik na dinaranas. Ang masakit pa. may ilang MMDA traffic enforcers ang nangongotong sa mga drayber kaya gumugulo ang daloy ng trapiko. May ilan pa sa mga ito ang “patong” sa mga illegal terminal particular na sa EDSA. Hindi maitatago ang pandarambong ng ilang MMDA enforcers dahil “bula­bog system” lamang ang kanilang pinakikita sa taumbayan. Get mo General Lim sir? Hindi kasi katwiran na ang LTO at LTFRB lang ang may karapatang manghuli ng mga colorum na SUV at bus sa kahabaan ng EDSA dahil sa araw-araw nilang pagmamando ng trapiko tiyak na kabisado na nila ang mga karakas ng mga tusong drayber at operator na mga walang prankisa.

Subalit hindi naman lahat ay nakikinabang sa mga illegal na transaksyon sa EDSA. Marami pa naman ang matitinong MMDA enforcers na tumutupad sa kanilang tung­kulin. At iyan ay napatunayan ko sa katauhan ni MMDA enforcer Jeremi Jorge Ubana Lukban. Patuloy na umaani ngayon ng papuri sa netizens si Likban dahil sa ginawang kabayanihan.

Binuhat niya ang isang 5-anyos na batang nilalagnat at dinala sa ospital matapos maipit ang sasakyan ng mga ito trapiko. Nakasaad sa Facebook post ni Mit Javellana: “Shoutout po sa MMDA officer na binuhat si Earl kanina going to hospital kase sa sobrang traffic hindi na gumagalaw ang mga sasakyan and nagchichills na si Earl because mataas ang fever niya. Napansin ng MMDA na sumisiksik na yung kotse at sumisingit kaya lumapit siya, nung nalaman niyang  papuntang ER, nag-offer siya na buhatin na si Earl at maglakad nalang sa hospital. Maraming Salamat po sa inyo sir.”

Dahil sa ginawa ni Lukban, nasa mabuting kalagayan na ngayon si Earl na malugod na ipinagpapasalamat ng mga kapamilya nito. Nakarating kay MMDA Chairman Danilo Lim ang ginawang “kabayanihan” ni Lukban kaya ipinatawag niya ito. Si Lukban pala ay isa lamang palang Job Order (JO). Hindi siya permanente sa trabaho. Kaya iniutos ni Lim na gawin itong permanent sa trabaho. Naniniwala si Lim na marami pa sa MMDA ang handang maglingkod sa mamamayan.

Napag-alaman ko mga suki na si Lukban ay bunso sa anim na magkakapatid. Kapatid niya si Lt. Joseph Lukban, isang magiting, masipag, mabait at dedicated na pulis na mula sa Manila’s Finest na ngayon ay naka-assign sa Station 7 ng Quezon City Police District (QCPD).

Karapat-dapat lamang na bigyang pagkilala ng MMDA ang enforcer na si Lukban dahil sa pagtupad sa tungkulin. Kaya ang payo ko sa MMDA enforcrs, “Tulong muna at walang pitsa-pitsa.” Hehehe!

MMDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with