EDITORYAL - Pagpasok ng mga Chinese sa bansa, dapat bantayan
(Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2020 - 12:00am

DUMADAGSA ang mga bisitang Chinese sa bansa. Mula pa noong nakaraang taon, mataas ang bilang ng mga Chinese na dumarating at lalo pang darami dahil ilan sa kanila ay dito naghahanap­buhay sa pamamagitan ng Philippine offshore gaming­ operators (POGOs). Libong Chinese na ang nasa bansa at karamihan ay mga empleyado ng gaming­ corporations.

Bagama’t sa pagdagsa ng mga Chinese ay maki­kinabang ang bansa dahil tumataas ang turismo at sa mataas na buwis mula sa POGOs, nakapanga­ngamba naman na nagdadala rin ng sakit ang mga ito. Mayroon ngang napapakinabang pero malaki rin ang posibilidad na mahawa ang mamamayan sa ipinapasok nilang sakit. Napakadelikado nang isyung ito na apektado ang kalusugan ng mamamayan. Nararapat na protektahan ng estado ang mamamayan sa anumang banta ng sakit.

Isang sakit na hinihinalang nakapasok sa bansa ang tinututukan ng Department of Health (DOH) sa kasalukuyan. Ang coronavirus na naihahalintulad sa nakamamatay na severe acute respiratory syndrome (SARS) ay nakita ang sintomas sa isang limang taong gulang na bata na galing Wuhan, China. Dumating ang bata kasama ang kanyang ina noong Enero 12 at nagderetso sa Cebu. Nilalagnat ang bata nang dumating base sa monitoring ng DOH sa Ninoy Aquino International Airport. Wala namang sintomas ng sakit ang ina ng bata. Ayon sa DOH, hinahanap na rin nila ang mga katabi ng bata sa eroplano. Hinihintay pa ang resulta ng test na isinagawa sa batang may sintomas ng coronavirus.

Ang Wuhan province ang sinasabing sentro ng corona SARS-like virus na marami na umano ang namatay. Naisasalin ang misteryosong sakit sa pama­magitan ng pag-ubo at sipon. Lalagnatin umano ang pasyente at ito ang magiging sanhi ng kamatayan. Sa Japan, may naiulat nang namatay dahil sa pagtama ng misteryosong sakit.

Higpitan ang pagpasok ng mga Chinese sa bansa. Kailangang ma-monitor ang mga ito at baka magdala sila ng sakit. Paigtingin ng DOH ang pagbabantay at baka may mga makalusot na pasaherong may coronavirus. Tiyakin na hindi makapapasok ang mga maysakit. Lubhang kawawa naman ang mga Pinoy na dumaranas na ng kung anu-anong kalamidad ay magkakasakit pa.

POGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with