Teller ng banko, nakadispalko, nagpatulong sa BITAG
BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2020 - 12:00am

ISANG pribilehiyo ang makapagtrabaho sa kumpanyang pinagkakatiwalaan ng mga tao. Kaakibat nito, malaking responsibilidad lalo kung may kinalaman sa pera ang sakop ng trabaho.

Pero paano kung natukso kang gumawa ng hindi kanais-nais na bagay na makasisira sa imahe mo at ng kumpanyang pinapasukan mo? Ganito ang nangyari sa isang bank teller na sumangguni sa tanggapan ng BITAG Pambansang Sumbungan kamakailan.

Kuwento niya, tinanggal siya sa trabaho nang dahil sa perang nadispalko niya. Halagang P5,000, ginamit pang-matrikula ng kanyang anak.

Nagkaroon ng pagkakataong magkasala ang teller nang may magproseso ng bagong account at biglang nagloko ang system ng banko. Imbes na sa kabinet, sa bulsa ng teller napunta ang pera!

Ang ginang, hindi lang ito ang unang beses na pang­yayari bagama’t lagi naman daw niya itong naibabalik. Umamin siya sa Manager na labing-isang beses na pala niya itong ginawa sa loob ng 25 taon niyang pagtatrabaho sa banko.

Nang makaabot ang isyu sa administration ng pinapasukang banko, agad siyang pinag-mandatory leave para ma-check ang kanyang mga past transactions hanggang sa siya’y ma-terminate bilang bank teller.

Ayon kay Asst. Gov. Restituto Cruz, Financial Super­vision Sub-Sector I sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), sensitibo ang mga banko pagdating sa usaping integ­ri­dad, lalo na’t puhunan ng mga banko ang tiwala’t kum­pi­yansa ng kanilang mga kliyente.

Hiling ngayon ng ginang, makuha ang kanyang separation pay. Nanghihinayang sa tagal ng pagseserbisyo pero hindi naisip ang kahihinatnan ng maling gawi.

Ayon kay Ms. Belen Nicasio, Head ng SEnA Unit sa NLRC, malinaw sa batas na maaaring walang makuhang separation pay ang isang empleyado lalo na kung may sapat na dahilan para tanggalin siya, tulad ng paglabag sa company policies.

Maawain at marunong umunawa ang BITAG. Pero sa puntong ‘to, wala na kaming magagawa lalo na kung ang batas na mismo ang pagbabasehan. May mga patakaran ang anumang banko na mahigpit na pinapairal lalo’t mahalaga rito ang integridad.

Maging aral sana sa lahat na anumang desisyon ang pinaplano nating gawin, isipin muna ang magiging epekto nito sa atin. Panoorin ang segment na ito sa BITAG OFFICIAL Youtube channel, “Teller, nang-dispalko ng pera sa banko! Nagpasaklolo sa BITAG!”

BITAG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with