EDITORYAL- Single-use plastics ipagbawal na
(Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2020 - 12:00am

Namumulat na ang mga Pinoy sa masamang dulot ng single-use plastics o disposable plas­tics at karamihan sa kanila, gusto na itong ipagbawal. Problema ang plastic pollution sa bansa at kung hindi ipagbabawal, mas malubha pang problema ang kahaharapin ng mga Pilipino. Tanging ang pagbabawal sa paggamit ng plastics ang solus­yon sa problemang ito.

Ayon sa bagong Social Weather Stations (SWS) survey na kinomisyon ng Global Alliance for Inci­nerator Alternatives, pito sa bawat 10 Pilipino ang gustong ipagbawal na ang paggamit ng plastics. Ginawa ang survey noong Setyembre 2019. Kabilang sa mga plastic na gustong ipagbawal ay ang tinatawag na sando bags, plastic straws at stirrers, plastic labo bags, styrofoam containers, sachets, tetra pack ng juices, plastic na baso, kutsara, tinidor, botelya ng juice at tubig. Ayon pa sa survey, 59.8 bilyong piraso ng plastic sachets at 17 bilyon na shopping bags ang ginagamit sa bansa taun-taon.

Ang Pilipinas ay pang-apat sa mga bansa sa Asia na malakas magtapon ng mga basurang plastic sa karagatan. Nangunguna ang China, sumunod ang Vietnam at ikatlo ang Indonesia.

Noong nakaraang taon, nagpahiwatig si President Duterte na balak niyang ipagbawal ang paggamit ng plastic sa buong bansa. Nasabi niya ito sa Cabinet meeting makaraang mapanood ang pre­­sentation ng Natural Resources Development Corp. may kinalaman sa programa ng gobyerno para sa environment at climate change.

Isa ito sa magandang ideya na naisip ng Pre­sidente at nararapat niyang ituloy. Bagama’t kaila­ngan pa ng pagsang-ayon ng Kongreso sa pagba­bawal ng paggamit ng plastic, ang malaman na kontra siya rito ay malaking bagay para maisakatuparan ang batas.

Panahon na para mawala sa buhay ng mga Pili­pino ang single-use plastic. Labanan ang plastic pollution para maisalba ang pagkasira ng kapali­giran at pati na rin ang buhay ng mga lamandagat. Pati mga balyena ay namamatay din dahil sa pagkalulon ng mga plastic na basura na naiistak sa kanilang bituka.

RODRIGO ROA DUTERTE SWS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with