House session sa Batangas idaraos
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2020 - 12:00am

Sa Batangas Convention Center gaganapin ang session ng House of Representative. First in history ito na ang layunin ay talakayin ang gagawing plano sa rehabilitasyon ng lalawigan matapos ang pagsabog ng Taal Volcano.

Talagang determinado si Speaker Alan Peter Cayetano na makapagtala ng “first in history” ang pinamumunuang 18th congress.  Mukhang inspirado siya sa kanyang mataas na rating sa survey kaya panay ang hataw. Deserving naman siya. Makasaysayan at ‘record-breaking’ ang maagang pagkakapasa sa pambansang badyet, pagsasabatas sa umento ng sahod ng mga kawani ng gobyerno at iba pang mga priority bills ni Pangulong Duterte.

Ibig mailapit pa ng husto sa mamamayan ni Cayetano ang Kamara kaya sa Batangas Convention Center gagawin ang  sesyon ngayong Miyerkules upang pakinggan ng mga solon ang mga hinaing at pinagdaraanan ng mga lokal na pamahalaan, first responders, mga evacuees at iba pang sektor na apektado ng pag-alburuto ng Bulkang Taal. Kauna-unahang mangyayari ito mula 1987. Nais agad marinig ng mga  mambabatas  ang mga biktima ng pag-alburuto ng Taal upang mailatag ang isang malawakang rehabilitation plan para sa mga lugar at mga taong apektado ng naturang kalamidad.

Korek si Speaker Cayetano sa kanyang privilege speech na wala tayong masyadong problema sa first responders, relief efforts at pagtulong sa mga biktima ng iba’t ibang kalamidad sa bansa.

 Pero may malaking butas  sa paglalatag at pagpapatupad ng rehabilitation programs para sa pagbangon ng mga biktima ng kalamidad. Tandaan natin na hanggang ngayon may mga hindi pa nakakabalik sa kanilang tirahan na mga biktima ng pagsabog ng Mt. Pinatubo, Bagyong Yolanda, at kaguluhan sa Marawi. 

Bayaan natin ang ating mga mambabatas na gawin ang kanilang trabaho dahil hindi lamang ang mga panandaliang tulong ang kailangan ng mga biktima ng kalamidad kundi ang mga pangmatagalang solusyon kasama na ang maayos na rehabilitation plan. Lalo pa ngayon na humihiling si Digong sa kongreso ng P30 bilyong supplemental budget para sa mga biktima ng Taal.

Hayaan natin na maging reliable, relevant at responsive ang ating kongreso para sa pagkakaroon ng ligtas at komportableng buhay ang mga Pilipino.

HOUSE SESSION TAAL VOLCANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with