EDITORYAL – Tutukan ni Gamboa ang mga ‘bigating’ pulis
(Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2020 - 12:00am

MARAMING pulis ngayon ang overweight. Nakausli ang tiyan at tila hirap na hirap kumilos. Napakasagwang tingnan ng pulis na malaki ang tiyan. Hindi bagay sa propesyon na ang tungkulin ay pagsilbihan at proteksiyunan ang mamamayan. Paano mapagsisilbihan ang mamamayan kung ang pulis ay hindi makakilos nang maayos dahil malaki ang tiyan. Paano mahahabol ang criminal?

Ngayong may permanente nang PNP chief sa katauhan  ni Lt. General Archie Gamboa, maipagpapatuloy na niya ang nasimulang plano para ma­bago ang itsura ng mga pulis.

Noong nakaraang linggo, isang direktiba ang ipinag-utos ni Gamboa na bago ma-promote ang pulis, kailangang ang kanyang timbang ay naaa-yon sa body mass index (BMI).

Sa BMI dapat umaakma ang height sa weight ng tao. Ang resulta ng BMI ang magde-determine kung maaaring ma-promote ang pulis o hindi.

Ayon kay Gamboa ang pagiging fit ng mga pulis ang pinakamahalagang requirements para maka­akyat sa promosyon. Bagama’t mahalaga rin ang pag-aaral o schooling ng pulis, mas malaking puntos kung fit na fit ang kanyang pangangatawan. Nararapat na physically at mentally fit ang mga pulis.

Nararapat ipatupad ang direktibang ito. Kaila-ngang maging kaakma-akma ang pangangatawan ng mga pulis para sa pagtatanggol at pagprotekta sa mamamayan. Hindi kaaya-ayang tingnan ang mga pulis na may mapipintog na tiyan.

Noong panahon ni dating PNP chief at ngayo’y senador Panfilo Lacson, ipinatupad niya na dapat ay 34 inches waistline ang mga pulis. Ang mga sobra sa sukat ay pinagbabawas ng timbang. Nawala na ang kautusang iyon kaya naman lalong dumami ang mga matatabang pulis.

Ipatupad ni Gamboa ang kautusan na hindi mapo-promote ang mga obese na pulis. Tiyakin na mangyayari ito. Nararapat ma-trim down ang mga pulis para naman magandang tingnan ang puwer­sa ng pambansang pulisya.

ARCHIE GAMBOA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with