Adamson, namahagi ng relief goods sa Taal victims
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2020 - 12:00am

KATUWANG ang Adamson University (ADU) sa muling pagbangon ng Batangas partikular ang mga residente sa mga bayan na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal. Ang ADU family sa pangunguna Basic Education Department (BED), Parents Teachers Association (PTA) at Intergrated Community Extension Service (ICES) ay isa lamang sa maraming organisasyon, individual at local Government units (LGU) ang unang tumugon, sumaklolo at nagsagawa ng relief operation sa Batangas.

Isang bus ng relief goods, tulad ng bigas, canned good, kumot, tuwalya, damit, tubig, toiletries ang dinala ng ADU family sa walong evacuation centers na nasa Bgys. Dita, Ibabao, Labac, Bungahan, Emmanuel, Bayate, St. Isidore at Cuenca Institute sa Cuenca Batangas, hehehe! Malaking bagay na kasi itong munting tulong na inamot ng ADU sa mga sinalanta sa mga residenteng nawalan ng kabuhayan at panawid gutom na sinapit. Ang mga evacuees ay mula sa iba’t ibang bayan ng Batangas na labis na naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal noong nakaraang Enero 12.

Nagsilbing guide ng ADU family sa “relief mission” ang presidente ng LGBT sa Cuenca, Batangas na si Precious Adah Velasquez. Hindi lamang panawid gutom at uhaw ang isinagawa ng grupo ng ADU, kundi maging ang pagsagawa ng mga entertainment o kaya’y palaro upang maibsan ang takot ng ilang kabataan at itoy mapangiti sa mga kakuwelahan at palaro, hehehe! Ang ADU family ay malugod na nagpapasalamat sa mga guro, magulang at estudyante na nagbigay ng kanilang nakayanan na tulong.

Alam n’yo bang galing sa mga donasyon na mula sa mga magulang at maging sa mga estudyante ang ipi­nambili ng mga relief goods mga suki? Bukal sa puso nila na makatulong sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal kung kaya sa sariling bulsa nila ito nanggaling. Hindi nagtatapos diyan mga suki, dahil pinaplano na ngayon ang ikalawang batch ng “relief mission” ng ADU family sa mga apektado ng Taal Volcano. Kaya nag-iipon na sila ngayon ng lakas este ng mga bagay-bagay na maipamigay sa mga kababayan nating naghihirap sa Taal, hehehe!

Ayon sa ADU family, magiging katuwang sila sa muling pagbangon sa delubyo ng kalamidad ng Bulkang Taal ang mga residente ng Batangas. Kung sabagay hindi lang naman ang ADU ang nagkukumahog ngayon sa pagtulong sa mga kababayan natin sa pagsabog ng Bulkang Taal dahil sa totoo lang mga suki, nitong nakaraang Sabado, nagkatrapik-trapik ang kahabaan ng South Luzon Expressway dahil sa pagdagsa ng mga sasakyang may lulan na relief goods mula sa mga iba’t ibang organization, mabuti na lamang at libre sila sa toll fees, hehehe!

Kaya nang sumapit kami sa Star Tollways punumpuno ang isang kilalang food chain sa dami ng taong kumain, marahil makatapos o bago magpunta sa mga evecuation center ay kumain muna sila matapos na magutom sa haba ng trapik na dinanas sa SLEX. Kaya mga suki, tularan natin sila, ang pagdamay at pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng kalamidad. Kudos ADU family. Mabuhay!

ADAMSON UNIVERSITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with