Kahinaan sa Reading, Math, Science tuntunin
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2020 - 12:00am

Katuluyan ito ng kolum kahapon tungkol sa kahinaan ng mga 15 anyos na estudyante natin sa Reading, Math, at Science. Lumitaw ito sa unang pagsali ng Department of Education nu’ng 2018 sa Programme for International Student Assessment. Sabay-sabay ineksamen ang 600,000 15 anyos sa 79 na mayayaman at medium-income na bansa.

Pinaka-kulelat ang mga Pilipino sa Reading. Apat sa bawat lima ay hindi naintindihan ang binasang pangungusap o artikulo sa Inggles; halos lahat ay walang malikhang ideya batay sa binasa. Dahil doon pulpol din sila sa Math at Science. Pangalawang kulelat sila, dinaig lang ang Dominican Republic. Ibig sabihin hindi sila epektibo o produktibo sa pang-araw-araw na buhay. Pinaka-mataas sa PISA ang mga Chinese at Singaporeans; ika-72 ang Indonesians. Kailangan matunton kung bakit nagkaganoon ang kabataan natin -- para masolusyonan.

Nutrisyon kaya ang problema, inusisa ko si executive director Love Basillote ng Philippine Business for Education. Dapat suriin nga ito, aniya. Kasi, kung kulang nga sa saganang pagkain ang bata tulad ng iodine na nagpapatalas sa utak -- nagiging mabagal matuto. Maari rin gutóm pumapasok sa eskuwela ang bata, o mahina ang mata, masakit ang ngipin, at kinukuto’t makati ang ulo kaya hindi maka-concentrate sa klase. Sa wastong pagkain at kalusugan nagmumula lahat.

Mahina rin ang training ng mga guro, ani educator Basillote. Kaya sa taunang teacher licensure exams isa sa bawat apat na education graduate lang ang nakakapasa. Ang asal kasi ng Pilipino, kapag mahina sa numero o agham o Inggles ang high school grad, sinasabihan na mag-teacher na lang at huwag nang umambisyong maging engineer, doktor o abogado. Dapat pinaka-magagaling lang na grad ang tanggapin sa kursong BS Education.

Malaking bagay din ang galing ng principal sa pag-angat ng mga guro at estudyante. Kaya hinahasa sila ng DepEd, imbis na palakasan.

DEPARTMENT OF EDUCATION
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with