Subway masasayang sa palpak na pagplano
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2020 - 12:00am

“AYAW natin ‘yan maging white elephant.” Pahayag ‘yan ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto tungkol sa Metro Manila Subway na hinihintay maitatag sa wakas sa Pilipinas.

Pero nanganganib maging white elephant nga ang pro­yekto. Malamang tutustusan ito ng napakalaking halaga, pero hindi matapos at hindi magamit. Ito’y dahil sa mga pal­pak at pagbabago ng mga plano.

Dekada 1970 pa ipinanukala ng Japan International Cooperation Agency ang subway. Nu’ng 2013-2015 gumasta­ nang bilyon piso para aralin ang Transportation Mas­­terplan-Mega Manila, kasama ang north-south subway. Tatlong ruta ang kinumpara: EDSA, Greenhills, at Mandaluyong. Lumabas na pinaka-maraming sasakay, pinaka-konting mapeperhuwisyong tao at gusali, pinaka-ligtas sa sakuna, at pinakamura -- P208 bilyon -- ang EDSA alignment. Kaya naghanda ang gobyerno na ikontrata at ipa-disenyo ang detalyes.

Pero Disyembre 2016, sa liham ng Department of Trans­port sa JICA, biglang nilipat ang alignment sa Katipunan, Quezon City tungong Food Terminal Inc. Taguig. Paspasang­ sinuri ang Katipunan kontra EDSA alignment. Nalamang dalawang beses ito peligrosong tatawid sa West Valley Fault Line at maraming bahain na lugar. Mas maraming­ tatamaan na pribadong bahay, lote, at negosyo. Sobrang laki ang hina­ngad na depot, 32 ektarya imbis na walo lang, at sa mamahaling commercial-industrial zone pa. Nagdagdag ng mga istasyon sa mamahaling distrito, miski konti lang ang sasakay. Inanunsiyo pa ng DOTr na paaandarin agad ang unang tatlong istasyon sa Mayo 2022, bago matapos ang termino ni President Duterte, habang ginagawa ang 12 pa hanggang 2025.

Naging P357 bilyon ang halaga dahil sa espesyal na engineering kontra lindol at baha, at pambili ng mga pribadong lote. Pero meron namang mga karatig na bakante o pag-aari ng gobyerno na lote -- mas mura o libre, at wala pang kokontra sa matagal na kaso sa korte.

METRO MANILA SUBWAY RALPH RECTO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with