Pananamantala sa panahon ng trahedya
REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda (Pilipino Star Ngayon) - January 15, 2020 - 12:00am

KAPAG panahon ng kalamidad, lulutang ang kabutihan ng tao. Kasabay nito, lalabas din ang kawalanghiyaan ng iba.

Ang pagsabog ng bulkang Taal ay naging ugat ng napa­kapangit na pangitain sa lipunan. Sino ang hindi kaka­ripas sa pinakamalapit na botika upang makabili ng face masks nang makitang umaabot na sa lugar nila ang abo ng bulkan? Sa mga edad 30 paitaas na nakatira sa Luzon, sariwa pa sa alaala ang tiniis na ashfall sa pagsabog ng Mt. Pinatubo noong 1991. Kalagitnaan ng hapon, biglang nandilim ang himpapawid dala ng usok ng pagsabog. Sinundan ito ng mala-snow na paglaglag ng abo mula sa langit­. Parang nilatagan ng karpet ang mga lansangan noon sa kapal ng ashfall sa Metro Manila. Sa Pampanga na mas malapit sa sentro, na­baon ang mga komunidad sa kapal ng abo at kumukulong putik.

Pag-abot sa botika, kung hindi simot ang mga masks, bigla na lang itong ibinibenta sa presyong hindi makataru­ngan. Isa po tayo sa pamilyang sanay sa face masks dahil labas pasok ang ilang kamag-anak sa ospital at medyo sen­sitibo sila sa mikrobyo. Hindi naman aabot sa taas na sini­­singil ang karaniwang presyo ng mga masks, kesyo yung simpleng surgical mask o ‘yung mas high-tech na N95. Kaya malinaw na ang pagtaas ng presyo noong Lunes ay tanda ng pananamantala ng mga negosyante.

Ang mga mayor, ang DOH, DTI at maging si President Duterte mismo ay nagpapaalala sa lahat na ngayong panahon ng sakuna, higit na kailangan ng lahat ang disenteng pag-uugali. At siyempre, nararapat lang na parusahan ng doble-doble ang mga overpricing at iba pang pananamantala sa mga kababayang desperado.

Salamat at hindi pa nasusundan ng pangalawang pag­sabog sa Taal. Patuloy ang usok at singaw subalit hindi ito mga eruption na dapat ikabahala. Subalit nandiyan ang pa­nganib na may susunod na trahedya. Kaya bago ito lumala­ para sa lahat, asikasuhin na at tapusin ang problema ng pang- aabuso sa face masks.

BULKANG TAAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with