Giyera kontra droga: Tugisin ang suppliers
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2020 - 12:00am

NU’NG katapusan ng Nob. nakasabat ang pulisya ng halagang P2.5 bilyon ng shabu. Ang ilegal na pulbo na nakuha sa Chinese national sa Makati ay pinaka-malaking drug bust na noong 2019. Nauna du’n muntik makalusot kung hindi naiulat sa Customs ang 500 kilo na nakapaloob sa inangkat na tapioca starch mula Cambodia. At nakahuli rin sa dalawang raid sa Cavite ng daang kilo ng shabu.

Pero balewala ang padaan-daang kilo lang na nasa­sabat. PNP Drug Enforcement Group mismo ang nagsabi nu’ng Dis. na 3,000 kilo o tatlong tonelada ng shabu ang lingguhang konsumo. Batay ito sa saliksik na 3 milyong adik ang sumisinghot ng tig-isang gramong shabu kada linggo. Tatlong milyong gramo ‘yon, o 3,000 kilo, kada pitong araw. Tumataginting na halagang P25 bilyon ‘yon kada linggo, ani PDEG chief Col. Romeo Caramat Jr., kaya nananatili ang narco-traffickers.

Suriin ang #RealNumbersPH, ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency, Hul. 1, 2016-Hun. 30, 2019:

            • 134,583 operasyon kontra droga;

            • 193,086 arestadong drug personalities;

            • 7,054 arestadong high-value targets;

            • 5,526 napatay na drug personalities;

            • 334 natibag na drug dens;

            • 14 natimbog na lihim na labs;

            • P34.75 bilyong nasabat na droga;

            • 4,409 kilong shabu na nasabat.

Pansinin ang huling item. Katiting na 4,409 kilo lang, isa’t kalahating linggong konsumo, ang nasabat sa 156 linggong giyera. Dapat baguhin ang estratehiya. Bukod sa paghuli sa street pushers para ipasuplong ang distributors, tugisin din ang gumagawa at nag-i-smuggle ng shabu. Galing ang shabu sa Golden Triangle triborder ng Myanmar, Laos at Thailand, pinopondohan ng Chinese Triads.

DRUG WAR
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with