Nilason (Huling bahagi)
IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2020 - 12:00am

NANG magsagawa ng imbestigasyon ay parehong gumawa ng kanya-kanyang salaysay sina AA at CC na pinir­mahan sa harap ng mga testigo at pinanotaryo pa sa isang notaryo publiko. 

Inamin nila na si CC ang naghanda ng lason na inihalo sa morisqueta na kinain ni BB. Nang tanungin ng huwes ay parehong inamin nina AA at CC na nagkasala sila sa krimen.

Sinang-ayunan din ng mga testigo ang pag-amin ng dalawa pati na ang tatay ni AA na walang nagawa kundi sabihin ang totoo kahit pa ang nadiin sa kaso ay ang sarili niyang anak na babae.

Kaya hinatulan na nagkasala sina AA at CC. Si AA para sa krimen na parricide dahil sa pagpatay sa sariling asawa at si CC para sa krimen na murder dahil sa paglason nila kay BB.

Si AA ay pinarusahan ng halos habambuhay na pagka­kulong o reclusion perpetua dahil nakabigat sa kaso niya ang paglason pero kinunsidera rin na kusa siyang sumuko at umamin sa krimen.

Sa kabilang banda, ang hatol naman kay CC ng huwes ay pagkakulong ng 17 taon, 4 na buwan at isang araw o reclusion temporal.

Pag-akyat sa Supreme Court, pareho pa rin ang hatol. Napatunayan na nagkasala sila sa krimen pero mas bumi­gat ang parusa kay CC. Ang hatol sa kanya ay habambuhay na pagkakulong o cadena perpetua.

Kahit daw walang sirkumstansiya na nakabigat o nakagaan sa kaso na nakita ang korte, hindi pa rin puwedeng magaan lang ang kaniyang maging parusa dahil siya pa mismo ang tinyente ng barangay ng barrio ang gumawa ng krimen (People vs. Bucsit and Licudine, G.R. No. 17865, March 16, 1922).

SUPREME COURT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with