Ang CAAP, bow
ORA MISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2020 - 12:00am

KUNG magdi-decision making  ang gobierno sa “mass repatriation” para sa mga OFWs na nasa Gitnang Silangan ay nakahanda palang tumulong ang tatlong hari este mali local airlines pala na sunduin ang mga ito lalo’t nagkaroon ng tensiyon sa pagitan ng US of A at Iran na nauwi sa karahasan many days ago.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang tatlong airlines ay kinabibilangan ng Cebu Pacific, Philippine Airlines at Air Asia na nakahandang magbigay ng kanilang libreng tulong kapag ma-stranded ang mga OFWs  sa United Arab Emirates at iba pang bahagi nito sakaling sumiklab ang giyera patani doon.

Ang CAAP ay nagsasagawa ng routine coordination sa local airlines at international carriers na nag-ooperate sa Philippines my Philippines kaugnay sa magiging sistema sa aviation operations oras na magsimula ang repatriation.

Ikinakasa na rin ng CAAP ang air requirements, air asset needs, at ang air traffic aid sa pag-facilitate ng air movement sa naturang paglikas para sa madlang  Pinoy workers.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng CAAP sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno para sa ibang updates hinggil sa paghahanda upang mapadali ang paglikas ng ating mga kababayan sa Middle East.
Sabi nga, may kusa!

Abangan.

NBI at IACAT gasgas sa CIA tungkol sa Bumbay?

HINDI makausad ang pagpupuslit ng mga Bumbay sa Clark International Airport at sa Palawan.
Bakit?
Pinababantayan nang mabuti ang mga korap sa arrival ng dalawang airport.
Sabi ng mga asset ng ORA MISMO, ang tuluy-tuloy na pamamasahero ng grupo ni alyas Gary “Basalsal” sa Clark ng mga pinalulusot nilang madlang Pinoy going abroad without proper documentation. Take mote, NBI Clark at IACAT.
Ginagasgas ng mga bata ni Gary “Basalsal” ang pa­ngalan ng NBI at IACAT dahil naka-timbre umano sa kanila ang mga ito?
Naku ha!
Totoo kaya ang gimik ng mga hunghang.
Kapos ang kolum ng Chief Kuwago, abangan ang ilan pang kuwento sa Miyerkules!

OFW PRA MISMO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with