Iran-US conflict huhupa na
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - January 11, 2020 - 12:00am

ALL’S well that ends well. Ito ang nakikita nating magan­dang­ kahihinatnan ng bagong krisis sa pagitan ng Iran at Amerika. Nagsimula sa air attack ng Amerika na iki­na­matay ng isang iginagalang na General ng Iran na ginan­tihan ng pambobomba ng Iran sa mga military faci­lities ng Amerika sa kalapit na Iraq. Parang sinadya ng Iran na minimal lang ang pinsalang nangyari sa kanilang bomb attacks. Wika nga, makaganti man lang sa ginawa ng Ame­rika. Takot din itong sumiklab ang isang digmaan.

Kaya ang responde ng Amerika, magpapataw na lang ng economic sanctions sa Iran sa ginawa nito at hindi na muling mananalakay. Tingin ko, Amerika man o Iran ay kapwa ayaw sa digmaan. Kung magkakaroon ng world war ngayon na gagamitan ng mga sandatang nukleyar, walang matitirang nilalang sa mundo. Dapat lang talagang pangilagan ng mga leader na nasa katinuan ang isip na iwasan ang digmaan.

Ngunit kung sakaling maglubha ang situwasyon, obli­gado ba’ng tumulong ang Pilipinas sa United States at ibang allied nation? Mayroong standing agreement ang Pilipinas sa Amerika gaya ng Mutual Defense Treaty, Visi­ting Forces Agreement at Enhanced Defense Cooperation Agreement at obligadong tumalima ang Pilipinas sa mga probisyon nito. 

Noong araw, nagpapadala ng mga kawal ang Pilipinas­ sa mga lugar na may pakikidigma ang Amerika. Kapag natapos ang digmaan, nagpapadala ng peace keeping force ang bansa upang magmantine ng kapayapaan. Ngu­nit iba ang ugali ng ating Pangulo ngayon. Ayaw niyang masangkot ang ating bansa sa mga pandaigdig na conflicts.

Sa huling pahayag ng Pangulo, tahasan niyang sinabi na hindi niya papayagan na maging launching pad ng Amerika ang Pilipinas ng mga sandata kung aatakihin nito ang Iran. Sa kabila ng nga tratado ng bansa sa Amerika, aniya nangingibabaw palagi ang interes ng Pilipinas.

Ngunit sa ibang kaso, sinabi din ng Pangulo kamakailan na kung ang mga Pilipinong nasa Iraq at Iran ay madadamay sa gulo, mapipilitan tayong kumampi at makipaglaban kasama ang Amerika. Pray pa more! Sana nga, huwag nang maglubha pang tension sa Gitnang Silangan.

IRAN US
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with