EDITORYAL - Matabang pulis hindi mapu-promote
EDITORYAL - Matabang pulis hindi mapu-promote
(Pilipino Star Ngayon) - January 8, 2020 - 12:00am

KAPANSIN-PANSIN na maraming obese na pulis­ ngayon. Kapag nagpa-pass-in review sa Camp Crame, makikita ang mabibilog na tiyan na halos lumuwa na sa suot na uniporme. Masagwang tingnan ang pulis na bundat ang tiyan. Hindi bagay sa propesyon na ang tungkulin ay pagsilbihan at proteksiyunan ang mamamayan. Paano mapagsisilbihan ang mamamayan kung ang pulis ay hindi makakilos nang maayos dahil malaki ang tiyan. Paano mahahabol ng pulis na obese ang criminal?

May direktiba si Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Lt. General Archie Gamboa na bago ma-promote ang pulis, kailangang ang kan­yang timbang ay naaayon sa body mass index (BMI). Sa BMI dapat umaakma ang height sa weight ng tao. Ang resulta ng BMI ang magde-determine kung maaaring ma-promote ang pulis. Ayon kay Gamboa ang pinakamahalagang requirements para makaakyat sa promosyon. Bagama’t maha­laga rin ang pag-aaral o schooling ng pulis, mas mala­king puntos kung fit na fit ang kanyang panga­ngatawan. Nararapat na physically at mentally fit ang mga pulis.

Nararapat ipatupad ang direktibang ito. Kaila­ngang maging kaakma-akma ang pangangatawan ng mga pulis para sa pagtatanggol at pagprotekta sa mamamayan. Isa pa, hindi magandang tingnan ang mga pulis na may namamayagpag na bilbil.

Noong panahon ni dating PNP chief at ngayo’y senador Panfilo Lacson, ipinatupad niya na dapat ay 34 inches waistline ang mga pulis. Ang mga sobra sa sukat ay pinagbabawas ng timbang. Nawala na ang kautusang iyon kaya naman lalong dumami ang mga matatabang pulis.

Ipatupad ang bagong kautusan na hindi mapo-promote ang mga obese na pulis. Tiyakin na mang­yayari ito at hindi ningas-kogon lang.

CAMP CRAME
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with